MALAMIG ang turing ng mga taga-Bicol sa kandidatura ni Sen. Chiz Escudero ng Sorsogon.
Mahaba na rin ang listahan ng mga kababayang politiko na sumusuporta sa kanyang katunggali na mula Camarines Sur.
Mula kay CamSur Gov. Miguel Villafuerte, ama niyang si Luis Raymund “LRay” Villafuerte at Albay Gov. Joey Salceda hanggang kina Rep. Fernando Gonzalez ng 3rd District ng Albay at Legazpi City Mayor Noel Rosal ay todo-suporta sa kalaban ni Chiz.
Ano ang nangyari at tila tumalikod na ang mga taga-Bicol sa isa sa pinakatinitingalang batang politiko ng rehiyon?
Pahiwatig ni Rosal, hitik sa karanasan si Chiz pero mas alam umano ng kanyang pinakamahigpit na kalaban kung paano maging isang lider.
Sabi naman ng isa pa: “Chiz speaks with his mouth while (ano-ther VP candidate from Bicol) speaks with her heart.”
Pero maliban sa retorika, ang tila pagtalikod ng mga taga-Bicol ay ganti lamang sa kawalan umano ng sapat na tulong ng senador sa pag-unlad ng rehiyon.
Sa isang pagtitipon ng mga business leaders ng rehiyon kamakailan, nadismaya ang karamihan nang muli niyang ipangako ang pagbuhay sa “Bicol Express” ng Philippine National Railways.
Ayon sa mga Bicolano, iyon ang pa-ngako na paboritong ipangako ng mga politikong nanghihingi ng boto mula pa noong panahon ni Cory subalit di naman natutupad.
Isa pang halimbawa ng kawalan ng malasakit daw ni Chiz sa Bicol ay pananahimik umano nito sa La Fayette mining activities sa Rapu-Rapu, Albay ilang taon na ang lumipas. Ilang buwan sa media ang balita ukol sa alegasyon ng mercury poisoning na dulot ng minahan na nameste ng kabuhayan ng mga mangingisda ng Sorsogon, pero tila walang narinig sa kanyang ukol sa isyu.
Marami rin ang nakapansin sa hindi umano pagbisita ni Chiz, noong isa pa lamang siyang kongresista, sa lugar na naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Bulusan. Di gaya ng isa pang kongresista ng probinsya, di umano nakita ang kanyang anino sa mga evacuation center sa Juban, Casiguran at Irosin.
Samantala, marami pa rin ang may sama ng loob kay Chiz nang suportahan nito ang kandidatura bilang pangulo ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. noong 2004.
Napapakamot pa rin ng ulo ang mga Bicolano kapag naaalala kung paano tinalikuran ni Chiz si dating senador at anak ng Bicol na si Raul Roco na, anila, ay mas kwalipikado at may karanasan na mamuno kumpara kay Poe.
Tuloy, himutok nila, baka tuluyan na nilang paniwalaan ang sinabi ng isang bagitong politiko na nagiging Bicolano lamang si Chiz tuwing tumatakbo sa puwesto.
Chiz iniwan sa ere mga Bicolano
READ NEXT
Ayaw na sa GF na hindi na virgin
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...