Ayaw na sa GF na hindi na virgin

Sulat mula kay Alamid ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
1. May girlfriend ako sa ngayon at masaya naman ang relasyon namin, hanggang isang araw ay natuklasan ko at inamin niya sa akin na hindi na daw siya virgin. At simula ng malaman ko iyon, nanghinayang ako kasi asang-asa ako na sa edad nyang 19 years old ay malinis na malinis ko pa siyang maihaharap sa altar. Sa ngayon tuloy ay nagdadalawang isip ako kung makikipag-break na ba ako sa kanya o ituloy ko lang ang aming relasyon kahit na wala naman akong pangarap sa buhay ko na hindi na virgin ang aking mapapangasawa at makakasama habang buhay. Kaya sa ngayon naguguluhan tuloy ako kasi napamahal na siya sa akin. Ano ba ang dapat kong gawin? Kami na kaya ang magkakatuluyan o may darating pang ibang babae sa akin na wala pang karanasan? September 16, 1989 ang birthday ko at May 2, 1996 naman ang birthday ng girlfriend ko.
Umaasa,
Alamid ng Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na isang beses lang darating sa iyo ang isang tunay at wagas na pag-ibig, at maaaring ang kaisa-isang pag-ibig na nabanggit ang siya mo na ring makakatuluyan at makakasama habang buhay.

Cartomancy:
“Hindi ka makakaligtas sa kasalukuyan mong girlfriend kahit na sabihin pang hindi na siya virgin, malaki ang posibilidad na siya na ang iyong makakatuluyan at mapapangasawa” – ito ang nais sabihin ng barahang Four of Hearts, Three of Hears at Seven of Hearts. Tanda na sa taong 2017 bigla at tuluyan na kayong magpapakasal ng kasalukuyan mong girlfriend, sa ayaw at sa gusto mo.
Itutuloy…

Read more...