Horoscope, November 17, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Ipagpatuloy ang kasalukuyang proyekto! Sa darating na Disyembre malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Mahahawakan mo lang dahil siguradong gagastahin mo na naman ito ng walang kaparaparan. Sa pag-ibig, sa sandaling nakahawak ng maraming salapi, wag kalilimutan balatuhan ang minamahal. Mapalad ang 3, 15, 25, 32, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Mahata-Nastah-Om.” Green at white ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Walang kabuluhan ang pagiging sikat kung lagi ka namang walang pera. Kailangang mai-convert sa pagkakaperahan ang kasitan. Sa pag-ibig, paligayahin ang kasuyo sa pamamagitan ng salapi. Mapalad ang 1, 3, 10, 28, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke- Balam.” Red at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Isang Capricorn ang makakatulong upang ma-solusyunan ang mga problema. Sa pag-ibig, bubuhayin ang iyong libido ng isang Libra na masarap romansa. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Panatiliin ang ugaling pagiging mabait. Sa pinansyal at pag-ibig habang nagpapakabuti dagdag na grasya at mag biyaya ang kusang darating. Mapalad ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Wag hawahan ng hina ng loob ang at ng katamaran ang kasuyo! Sa tuwi-tuwina ikaw ang dapat na magsimula, anumang proyekto o anumang gawain ang inyong mapagkasunduan. Mapalad ang 6, 16, 27, 34, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kaleneha-Om.” Black at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Higit na mas magiging matibay ang relasyon kung laging yayayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa negosyo, bago matulog wag kakalimutang mag dasal at hilingin sa Diyos na sana’y yumaman na ang inyong pamilya. Mapalad ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Upang hindi kainggitan ng iba, iwasan ang labis na kadaldalan. Sa pinansyal, hindi kailangan ang maraming kuwento upang kumita ng malaking halaga, ang mas mahalaga ay ang katapatan at pagkilos. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nahatha-Om.” Gold at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Ang mga Libra ay hindi nagiging maligaya kung malayo sa pamilya, pilitin mong laging katabi ang kasuyo. Sa pag-ibig at pinansyal, kapag malapit ka sa iyong mga mahal mas madali kayong uunlad. Mapalad ang 2, 8, 16, 25, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Green at yellow ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Upang pumasok ang suwerte, panatiliing bukas ang bintana sa gawing silangan ng inyong bahay. Sa bukas na bintana, papasok ang mga biyaya at magagandang kapalaran. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Tatha-Om-Sakra.” Blue at beige ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Upang maiwasan ang anumang uri ng karamdaman, kumain sa tamang oras at wag magpapakagutom. Sa pag-ibig at pinansyal, isang malaking tagumpay kung laging malusog at malakas ang iyong pangangatawan. Mapalad ang 3, 9, 18, 27, 26 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om.” Blue at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Upang magtamo ng mabuting kapalaran, maging maibigin sa bawat may buhay at sa kalikasan. Tumira ka sa malapit sa nature, upang umunlad suwertehin at lalo pang umunlad at lumigaya ng buhay. Sa pag-ibig, ang pagiging romantiko ng kasuyo ay dapat na suklian ng masarap na romansa. “Om-Kurvan-Aum-Adhenan.” Green at white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Hindi dapat takasan ang obligasyon sa pamilya dahil sa bandang huli ang mga kapamilya mo rin ang tutulong sa iyo upang maabsuwelto sa mga problema. Sa pag-ibig, hindi mo matatakasan ang isang Libra, mananatili siyang bahagi ng buhay mo. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Raga-Om.” Red at lilac ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)— Panahon na upang salubungin ang bagong araw ng may ngiti at galak sa iyong puso. Sa ganyang paraan lamang, ngingiti din ang pag-unlad at sa pag-ibig, sa pamamagitan ng masayahing desposisyon sa buhay mas madali mo ng maaakit ang hinahanap mong ligaya. Mapalad ang 7, 18, 23, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhanah-Dosya-Om.” Green at magenta ang buenas.

Read more...