Ayaw na sa GF na hindi na virgin (2)

Sulat mula kay Alamid ng Cherry Blossom Village, Tambo, Iligan City

Problema:

  1. May girlfriend ako sa ngayon at masaya naman ang relasyon namin, hanggang isang araw ay natuklasan ko at inamin niya sa akin na hindi na daw siya virgin. At simula ng malaman ko iyon, nanghinayang ako kasi asang-asa ako na sa edad nyang 19 years old ay malinis na malinis ko pa siyang maihaharap sa altar. Sa ngayon tuloy ay nagdadalawang isip ako kung makikipag-break na ba ako sa kanya o ituloy ko lang ang aming relasyon kahit na wala naman akong pangarap sa buhay ko na hindi na virgin ang aking mapapangasawa at makakasama habang buhay.
  2. Kaya sa ngayon naguguluhan tuloy ako kasi napamahal na siya sa akin. Ano po ba ang dapat kong gawin? Kami na kaya ang magkakatuluyan o may darating pang ibang babae sa akin na wala pang karanasan? September 16, 1989 ang birthdayko at May 2, 1996 naman ang birthday ng girlfriend ko.

Umaasa,

Alamid ng Iligan City  

Solusyon/Analysis:

Astrology: 

Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) habang Taurus naman ang girlfriend mo, ay nagsasabing walang alinlangan, compatible kayo sa aspetong pang-Astrology, na ibig sabihin lang kahit na hindi na virgin ang girlfriend mo, napakalaki ng tsnasa na kapag kayo ang nagkatuluyan may pangako ng isang maligaya at pang habang buhay na relasyon.

Numerology:

Ang birth date mong 16 at 2 naman ang girlfriend mo ang nagsasabing bagamat kapwa mahina ang inyong looob, patuloy namang titibay at magiging maligaya ang inyong pagmamahala habang tumatagal, kahit na sabihin pang hindi na virgin ang girlfriend mo.

Luscher Color Test:

     Panatiliin ang pagamit ng kulay na pula at berde sa sandaling kayo ay nagkatuluyan upang lalo pang gumanda at umunlad ang itatayo nyong pamilya.

Huling payo at paalala:

Alamid ayon sa iyong kapalaran anuman ang maging desisyon mo sa bandang huli ang takdang kapalaran pa rin ang iiral. Sa ayaw at sa gusto mo kayo na nga ang magkakatuluyan ng girlfriend mo at ito ay tinatayang magaganap  sa taong 2017 sa edad mong 28 paataas at 21 naman ang girlfriend mo, kung saan ang pag-aasawa o pagpapakasal na nabanggit ay tuloy-tuloy na ring hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay na pagpapamilya.

Read more...