Angelica naluha sa b-day surprise ng Banana Sundae

angelica panganiban

NAGING emosyonal ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa surprise birthday celebration na inihanda para sa kanya ng Banana Sundae nitong Linggo.

Sa pilot episode na nasabing gag show (ang pumalit sa Banana Split na napapanood noon tuwing Sabado), nag-effort ang kanyang mga co-stars para pasayahin siya sa kanyang post-birthday party.

Gumawa talaga ng isang production number ang lahat ng Banana Sundae stars sa pangunguna nina John Prats, Pokwang, Jason Gainza, Jessy Mendiola at iba pa, kung saan isa-isa nilang binalikan ang mga hindi malilimutang proyekto ng girlfriend ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng “Make Me Rap” segment ng show, kabilang na ang classic kids program na Ang TV, mga pelikulang “Princess Sarah,” “Ang Pulubi at ang Prinsesa,” “Santa Santita,” at ang mga seryeng Iisa Pa Lamang, Apoy Sa Dagat, Rubi at Pangako Sa ‘Yo.

Sa kanyang speech, hindi na napigilan ni Angelica ang maluha habang nagpapasalamat sa kanyang mga kasamahan sa Banana Sundae, ang lahat ng mga nakaalala sa kanyang birthday at sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanyang career.

“Alam naman ng lahat na extended family ang Banana Split para sa ating lahat so masakit kapag nawalan ka ng pamilya. Kaya ‘yun ang wish ko, na huwag tayo mawala,” anang Kapamilya actress.

Noong Nov. 4 nag-29 years old si Angelica at sa pagkakatanda namin during the presscon of Banana Sundae before her actual birthday, ang tanging wish daw niya this year ay maging successful din ang kanilang gag show kahit na nilipat na ito ng araw at timeslot.

Ibig sabihin lang niyan, maligayang-maligaya at kuntento na si Angelica sa kanyang personal life kaya ganyan lang kasimple ang wish niya.

Read more...