Michael naghahanda na sa finals ng YFSF

michael pangolonan

Siyempre APEC week na kaya maraming establishments ang sarado ngayon. Yung ibang schools ay wala nang pasok sa Metro Manila since yesterday kaya medyo tahimik ang kapaligiran.

Pero tuloy pa rin ang coding sa mga sasakyan kahit dadalawang lanes na lang ang available sa EDSA. Ha-hahaha! Sino ba naman ang maglalakas-loob sumugod sa EDSA kung walang-humpay naman ang traffic, di ba?

Ang pinakamaganda riyan ay ang magbakasyon muna sa mga resorts ang mga may dahtung at manahimik sa bahay ang mga katulad nating kapuspalad. Ha-hahaha! Basta kami, tuloy ang work dahil nasa media kami. Hindi uso sa amin ang holidays, ‘no!

Anyway, kagagaling lang namin ng anak kong si Michael Pangilinan sa Cebu last weekend at gusto lang naming pasalamatan ang sobrang init na pagtanggap ng mga Cebuanos sa kanila sa SM Cebu and Waterfront Hotel during Michael’s guestings sa album launch ng kaibigan naming si Stephanie, anak ng napakabait na si Ms. Aida Patana.

Kasama ni Michael na nag-guest si Mr. Pastillas Richard Parojinog na napahusay kumanta – walang eclat. Maganda ang boses ni Richard kaya talagang napa-wow sa kaniya ang audience.

Pero hanep ang presence talaga ni Michael – pati ang mga may-ari ng M Lhuillier na nanood ng show sa Waterfront ay sobra ang paghanga sa kaniya and promised to get him in many of their events.

“Second time ko pa lang sa Cebu and masaya ako dahil hindi lang basta magaganda ang Cebuanas, napakasarap pa nilang maging audience. Kaya ganado akong mag-perform.

Sana makabalik pa ako roon for more shows,” ani Michael who is now busy preparing sa nalalapit na finals ng Your Face Sounds Familiar Season 2 sa ABS-CBN. Sana nga ay makalusot ang anak natin.

After ng Waterfont Hotel show namin ni Michael, dinalaw namin ang mga friends naming sina Kai Confiado, Wendelle Valdez, Marlon and Twinkle of Foxy Ladies who are all based na sa 22nd St. Comedy Bar sa Cebu.

Napakaraming tao sa 22nd St., as in punumpuno talaga. Hindi makatanggi si Michael nang tawagin siya ng mga baklita sa stage – nagpaunlak siya ng dalawang kanta na talagang ikinahiyaw ng lahat. Thanks so much for all the support sa baby Michael natin.

Read more...