Sa ulat ng Radyo Inquirer, sinabi nito na nasawi si Rodolfo “JR” Fariñas Jr. matapos sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang concrete barrier Barangay Buyon.
Sinabi ng mga otoridad na dahil sa lakas ng pagbangga, tumilapon pa ang batang Fariñas mula sa sinasakyan at nasunog ang kanyang motorsiklo.
Idineklara siyang dead on arrival sa isang ospital sa Laoag City.
Sa isang post sa Instagram, sinabi ni Ilocos Norte board member at kapatid na babae ng batang Fariñas na si Ria Fariñas na, “REST EASY, MY LOVE. Gone too soon. But the time for you to be with Mommy. I LOVE YOU SO MUCH, J.”
Dating nagsilbi ang 20-taong-gulang na anak ng mambabatas bilang presidente ng Sanggunian Kabataan sa probinsiya.
Anak ang biktima ng dating beauty queen at aktres na si Maria Teresa Carlson na namatay matapos mag-suicide noong 2001. Inquirer.net