Davao Occidental nilindol

davao occidental
Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 4 ang Davao Occidental kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology naramdaman ang lindol alas-8:46 ng gabi.
Ang sentro nito ay natunton 26 kilometro sa silangan ng Sarangani at may lalim itong 180 kilometro. Ang lindol ay sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Kahapon ng umaga ay niyanig naman ng magnitude 2.9 lindol ang Surigao del Norte.
Ang sentro nito ay 10 kilometro sa kanluran ng Malimono at may lalim na 19 kilometro. Sanhi ito ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.

Read more...