Janella Salvador: Hindi ko pa alam ang ma-in love!

janela salvador

Thankful si Janella Salvador sa magandang takbo ng kanyang career. Sunud-sunod ang mga proyektong ginagawa niya sa TV at sa pelikula. Pagkatapos ng first lead role niya sa seryeng Oh, My G, may bago rin siyang album at launching movie.

“Everything big is coming sabay-sabay and hindi ko alam what I did to deserve it. Pero napaka-happy ko and I don’t wanna call myself lucky, gusto ko blessed kasi napaka-strong din ng faith ko na lagi akong nagpe-pray na thank you for everything,” sambit ng tinaguriang Darling Teen Princess.

Kahapon naman, muling napanood si Janella sa longest drama anthology na Maalaala Mo Kaya kasama si Julia Barretto. Binigyang-buhay nila ang nakakaantig na kwento ng kambal na sina Abigail (Julia) at Amabelle (Janella) na lumaking malapit sa isa’t isa ngunit sinubok ng tadhana dahil sa kanilang pagkakaiba.

Nakasama nina Janella at Julia sa nasabing MMK episode sina Jake Roxas, Aleck Bovic, Jillian Aguila, Allyson Mcbride, Mccoy de Leon at Karen Reyes, sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat ni Benson Logronio.

Next year ay magse-celebrate na si Janella ng kanyang 18th birthday. Pero pinagbabawalan pa rin siyang makipag-boyfriend ng kanyang inang si Jenine Desiderio.

Okey lang naman daw ‘yun kay Janella dahil hindi pa rin naman daw niya nararamdaman ang ma-in love.

Read more...