Nadine Lustre payag gumanap na ’Darna’; suportado ni James Reid

nadine lustre

Hindi rin uurungan ni Nadine Lustre ang challenge kung sakaling sa kanya ibigay ang “Darna The Movie” na inayawan ni Angel Locsin. Si Nadine ang ibinoto ng karamihan sa mga Kapamilya viewers sa isang poll na ginawa ng ABS-CBN para pumalit kay Angel sa nasabing pelikula.

Wala pang natatanggap na offer ang leading lady ni James Reid sa seryeng On The Wings Love para mag-Darna pero willing siyang i-accept ang hamon. “Of course I want gusto ko po siyempre kasi Darna ‘yun ‘di ba? It’s a privilege na maging Darna ka.

Bigyan nila ako ng gym time, bigyan nila ako ng time mag train pero bahala na I don’t know, wala pang sinasabi sa akin” anang dalaga sa panayam ng ABS-CBN. Para naman kay James, boto rin siya kay Nadine bilang bagong Darna, “If she’s Darna then I’m Captain Barbell.

She could do it. I told her she could do it. And I believe she does (have the body do it).” Siyempre, automatic na ‘yan, kung si Nadine ang magiging Darna, si James na ang makakatambal ng dalaga.

Pero ang tanong, kayanin pa kaya ng schedule nila ang mag-shooting para rito ngayong puspusan pa rin ang taping nila para sa OTWOL.

Bukod pa riyan ang tinatapos nilang 2015 MMFF entry na “The Beauty and the Bestie” starring Vice Ganda and Coco Martin.

Read more...