Kylie umamin sa tunay na relasyon nila ni Martin

kylie padilla

LOVELESS pa rin until now ang beautiful at napaka-flawless ng skin na si Kylie Padilla. Although, inamin niya sa amin na merong nagpapakilig sa kanya ngayon, and that’s none other than her co-star sa Buena Familia na si Martin del Rosario.

Hindi na nag-pabebe si Kylie to show what she feels for Martin every time mababanggit ang pangalan ng aktor during our interview with her sa press launch ng bagong beauty product na Relumins soap and lotion kung saan siya ang kinuhang celebrity endoser.

“Uy, oo, hahaha! Ano sa tingin ninyo? Kinikilig ba kayo?” sagot niya na patanong sa amin. Mas obvious naman na siya ang kinikilig for Martin, “Ha-hahaha! Close talaga kami ni Martin. Clooose talaga kami.”

Na-develop na sila as isa’t isa? “Ay, wala pa ako sa point na gusto ko maging tayo na. Wala pa. Tingnan natin. Getting there, o?!! Ha-hahaha!” Sobrang walang effort daw si Martin sa kanya kapag magkasama sila.

Pwede raw si Kylie kahit walang make-up sa harap ni Martin. But the $64 is, nanliligaw na ba sa kanya si Martin? “Yun nga, para sa amin friends lang. Pero syempre masaya na. Parang masaya na kami.

Uhm, he’s not afraid to be ano, kasi ‘di man daw hindi nagpapakita ng emotion. Tapos siya, he’s not scared.” Deadma naman si Kylie kahit may kumukwestyon sa pagkalalaki ni Martin.

Wala raw siyang napapansin na “kakaiba” sa pagkakalaki ng aktor. “Hmmmm, actually, ‘yun na nga, masaya kami. So, I’m not thinking na ‘yun nga magiging boyfriend siya and I accept if ever man totoo ang mga ganyan, I’ll accept him the way he is. ‘Yun ang totong magkaibigan.”

When asked kung posibleng sagutin niya si Martin kapag nanligaw sa kanya, “okey lang” ang pa-tweetums niyang sagot amin. Pero bago si Martin, matatandaan na na-link din noon si Kylie sa co-star niya in one of her films na si Rayver Cruz.

Nagtataka ang iba kung bakit hindi natuloy ang relasyon nila, “Hindi ko rin alam, e. ‘Yun ang pinaka-totoo! Ayokong magpaka-showbiz,” sabi ni Kylie. Mahabang kwento raw kung bakit hindi naging sila ni Rayver kaya ayaw na niyang pag-usapan.

Although, nagpapalitan pa rin sila ng text para magkumustahan. Pero sino nga ba ang lumayo kanino?
“Ha-hahaha! Gusto kong magpaka-showbiz pero ayoko,” kasunod ang tawa ulit ng dalaga.

Kapag nagkwento raw siya tiyak na isyu na naman kaya ayaw na niyang magsalita. Duda ng iba, na-turn off daw siya kay Rayver, “No! Let’s just say, it was fun to get to know him.”

Hindi raw siya ang may gusto na magkahiwalay sila at ayaw niyang magsalita para kay Rayver. E, ‘di ‘yung para sa kanya na lang, sabi namin kay Kylie, “Nalungkot ako, sa nangyari. ‘Yun ang totoo.”
May involved na ibang babae? “Uh, I don’t know.

Habulin ninyo siya. Ha-hahaha! Basta nanghinayang daw siya sa closeness nila ni Rayver. Pero tsika pa namin kay Kylie, what if balikan siya ni Rayver after mabasa ang mga sinabi niya sa amin, “Hindi na, kasi lumipas na.

May natutunan na ako.” Anyway, puring-puri naman si Kylie ng mga may-ari ng Relumins. Bagay na bagay daw kasi ang anak ni Robin Padilla sa Relumins soap and lotion beauty products.

At naniniwala sila na maipapakilala nila nang husto ang mga produktong ito sa bansa through Kylie pagkatapos ng success ng product sa US.

After ng soap and lotion, may ilalabas pa raw sila na iba pang Relumins products sa Pinas. Sure na sure naman ang Relumins executives na papatok sa mga Pinoy ang kanilang produkto.

Read more...