Kitang-kitang masaya ang batang aktres na si si Janella Salvador dahil binigyan siya ng launching movie ni Mother Lily Monteverde, ito ngang “Haunted Mansion” na idinirek ni Jun Lana at entry pa ng Regal Entertainment sa 2015 Metro Manila Film Festival.
Imagine, naunahan pa ng Regal Entertainment ang Star Cinema? Alam naman ng lahat na sa ABS-CBN sumikat si Janella lalo na sa mga seryeng Be Careful With My Heart at Oh My G.
Si Janella ang apple of the eye ngayon ni Mother Lily dahil pina-presscon agad niya ito ng solo. “Oo nga po, I just got surprised kasi first movie ko tapos MMFF pa, so everything is coming so big, everything is coming sabay-sabay, hindi ko alam what I did and if I deserve it so, napaka-happy ko.
(Minsan) hindi nagsi-sink in sa akin na ibinibigay ‘yung album, movie tapos nagka-teleserye ako after Be Careful With My Heart, it’s all coming so fast,” kuwento ni Janella.
Samantala, hindi ba naalarma si Janella na horror ang unang pelikula niya. Paliwanag ng batang aktres, “At first nagtanong po ako kasi horror nga, so paano kaya ‘yun, but okay na rin kasi something big na ibinigay sa akin and nag-enjoy naman ako in making the film and I trusted direk Jun and in everyone’s powers.”
Hindi naman daw naiba ang itsura ni Janella sa “Haunted Mansion” dahil, “Di ba you always see me kikay, this time para siyang simpleng tahimik na role, so parang iba-iba. Walang arte, normal person ako dito.”
Tinanong namin kung nanonood ng horror movie si Janella, “Actually yes, mahilig akong manood, pero takot din ako hindi ako makaakyat (bahay) mag-isa.”
Ilan sa favorite horror movies daw niya ay, “Insidious, wina-watch ko na rin ‘yung Shake, Rattle and Roll series, nage-enjoy naman ako. My mom was in Feng Shui last year, so pinanood ko rin.”
Samantala, pawang malalaking artista ang makakasabayan ni Janella sa 2015 MMFF bukod pa sa mga sikat na loveteams tulad ng JaDine, AlDub at LizQuen.
“Matindi! Actually, I’m not expecting anything big naman because first of all, horror naman ito. Sila (loveteams) ‘yung kilig, magkakaiba kami ng genre and I know naman not all people watch horror, so hoping talaga na ang i-give na lang sa amin ay maging successful ‘yung movie,” pag-amin ng batang aktres.
Okay na ba sina Janella at mama niyang si Janine Desiderio dahil nabalitang hindi sila nagkakasundo, “Well, it’s normal naman for parents and children na may age na nagkakaroon ng misunderstanding kami, many people go through it talaga so ‘yun lang talaga ‘yung stage na ‘yun.
Hindi naman ako nagrebelde or anything, wala naman ganu’n. Pero ngayon, we’re okay now.”
Anyway, excited na si Janella sa “Haunted Mansion” na mapapanood na sa Dis. 25 kasama sina Mario Mortel, Jerome Ponce at marami pang iba.