Sigaw ng fans ni JM kay Jessy: Magda-Darna ka lang nang-iwan ka na naman!

jessy mendiola

RUMESBAK si Jessy Mendiola sa mga patutsada sa kanya ng fans ni JM de Guzman. Sunud-sunod kasi na negative comments ang inabot ng dalaga mula sa ilang fans ng actor matapos maghiwalay ang dalawa for the second time.

“@senorita_jessy pansin ko kapag may magandang palabas si @senorita_jessy hinihiwalayan nya si JM. Pero pag wala binabalikan nya. Kawawa naman si JM palagi.”

“Porket lilipad kna sa ere iniwan mona c jm pro nung tengga ka at wlang project narinig mo lng na mgkakaproject si @1migueldeguzman bnalikan mo smantla nung naguest kayo sa GGB tnanong ka ni vice sabi mo hnd mona xa iiwan ulit anyare teh mgiging darna lng nkalimot na kaloka tong babaeng toh.”

“Hindi namen alam nangyari sa inyo ni JM. Pero he needs someone who can support him, lalo na sa pinagdadaanan niya ngayon. Sana kung hindi mo kayang suportahan siya ngayon, wag mo na siyang babalikan pag okay na naman siya!!!

“Hindi mo nga hawak buhay niya pero isa ka sa dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Next time please, layo layo din kung hindi mo kaya pangatawanan desisyon mo. Hindi makakatulong sa isang taong may problema sa sarili ang isang tulad mo ring makasarili.”

‘Yan ang mga birada kay Jessy which she thought should be addressed. “Hindi mo pala alam nangyari samin eh. So wala kang karapatan husgahan ako. Wag mong husgahan si JM. Hindi mo siya kilala at mas lalo nang hindi mo alam kung bakit ganito desisyon namin.

“Ikaw ang makasarili kasi hindi ka sensitive enough na wag nalang magsalita kasi alam mong may mga masasaktan. @doreendoreen_ ang hindi ko maintindihan sa mga taong to, masyado kayong nanghuhula sa mga nangyari at sa mga desisyon namin.

Tao din ako at may puso ako, nagmahal lang ako at nasaktan din. Wag kayong masyadong mapanghusga, hindi kayo Diyos. Hindi niyo alam LAHAT. “Sana matauhan na kayong lahat at magising sa mga sarili niyo.

Kung kayo ang masa posisyon namin, sigurado akong sobrang sakit din nito sa mga puso niya. At ang pinakamalala pa sainyong mga nanghuhusga, hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon.

Pagdadasal ko nalang kayong lahat. Isa ka na don Doreen. ‘Yan ang mahabang litanya ni Jessy sa basher niya.

Read more...