Sulat mula kay Minda ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Sa edad ko pong 44 na sa darating na December 16 matagal ko na pong dinadasal-dasal na sana ay may matisod akong isang mabait at mapagmahal na asawa. Kasi po since birth hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Pero ngayong nagkaka-edad na ako ngayon ko na realize ang kahalagahan na dapat pala sa iyong pag tanda ay may someone ka na magiging companion mo o kasakasama sa buhay. Kaya gusto kong itanong kung sa edad kong ito at sa kalagayan ko na ito na isang guro sa isang public school ay kung makapag-aasawa pa kaya ako? At kung makapag-aasawa may chance pa kaya na kami ay magka-baby at makabuo ng isang simple pero masayang pamilya?
Umaasa,
Minda ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Buti na lang at nagkaroon ng malinaw at mahabang Marriage Line o Guhit ng Pag-aasawa (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit 44 years old ka na sa darating na December 16, may awa ang Diyos, makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang simple at masayang pamilya habang buhay.
Cartomancy:
Queen of Clubs, King of Clubs at Nine of Hearts ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang lalaking halos kasing edad mo rin ang manliligaw sa iyo sa darating na buwan ng Disyembre, upang pagkatapos ng siyam na buwan, mula sa inyong pagkakakilala, mabilis
at kusa ng magaganap ang isang biglaang pag-aasawa.
Itutuloy…..
Makapag-aasawa pa kaya?
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...