Makapag-aasawa pa kaya? (2)

Sulat mula kay Minda ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City

Problema:
1. Sa edad ko pong 44 na sa darating na December 16 matagal ko na pong dinadasal-dasal na sana ay may matisod akong isang mabait at mapagmahal na asawa. Kasi po since birth hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Pero ngayong nagkaka-edad na ako ngayon ko na realize ang kahalagahan na dapat pala sa iyong pag tanda ay may someone ka na magiging companion mo o kasa-kasama sa buhay.
2. Kaya gusto kong itanong kung sa edad kong ito at sa kalagayan ko na ito na isang guro sa isang public school ay kung makapag-aasawa pa kaya ako? At kung makapag-aasawa, may chance pa kaya na kami ay magka-baby at makabuo ng isang simple pero masayang pamilya?
Umaasa,
Minda ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini ang darating tulad mo, siya din ay binata sa edad na mid-40’s.

Numerology:
Ang birth date mong 16 ay nagsasabing ang lalaking darating na isa ring matandang binata ay nagta-trabaho sa barko at dati siyang seaman o OFW ng mahabang panahon nagba-barko.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha at porma ng iyong katawan na medyo malaking babae ay nagsasabing isang katamtamang lalaki na kayumanggi ang kulay ang iyong mapapangasawa – siya ay tahimik sa simula pero madaldal at makuwento kapag lubusan mo na siyang nakilala.
Huling payo at paalala:
Minda ayon sa iyong kapalaran kahit na umabot ka pa ng edad na 45, wala kang dapat na ikapangamba na baka tumandang dalaga ka habang buhay, dahil nakatakda na ang magaganap – sa pagpasok ng buwan ding ito ng Disyembre, isang lalaking nagtataglay ng initial na A.E.. ang iyong makikilala, magi-ging boyfriend mo siya at pagsapit ng taong 2016 sa buwan ng Oktubre o kaya’y Disyembre, magaganap ang iyong pagpapakasal, na hahantong sa pagkakaroon nyo ng isang cute at magandang baby na babae, upang paglipas ng mga ilang panahon pa, tuluyan na ring mabuo ang isang simple pero maligaya at pang habambuhay ng pamilya.

Read more...