Karagdagang pulis nagdatingan na mula sa probinsiya para sa APEC

NAGDATINGAN na mula sa mga lalawigan ang mga karagdagang pulis na tutulong sa pagpapatupad ng seguridad sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders’ meeting sa Maynila.
Nakatakdang dumating ngayong araw sa Maynila ang “battalion sized” contingent, o humigit kumulang 500 pulis, mula sa Western Visayas, ayon kay regional police director Chief Supt. Bernardo Diaz.
“The contingent is composed mostly of personnel from Regional Public Safety Battalion, Public Safety Forces of different Provincial Police Offices and City Police Offices, and other units of Police Regional office 6,” ani Diaz.
Magpapadala naman ang Bicol regional police ng 806 tauhan na kinabibilangan ng civil disturbance management personnel, medical, investigation at security teams, sabi ni regional police spokesperson Senior Insp. Maria Luisa Calubaquib.
Tumanggi si Calubaquib na sabihin kung kailan dadating sa Maynila ang kanilang contingent, pero tiniyak na makakadalo ito.
“We cannot disclose the exact time and date of their deployment for security purposes, but definitely they will be in Metro Manila during D-Day, Nov. 18 and 19,” aniya.
Kaugnay pa rin ng APEC leaders meeting ay nagtaas ng Bicol regional police ng “full alert” sa rehiyon, aniya.
Una dito, noong Huwebes, ipinadala ng Central Luzon regional police sa Metro Manila ang mahigit 1,000 nitong tauhan.
Ide-deploy ang mga naturang pulis sa pagdarausan ng APEC summit at mga lugar sa Makati City kung saan pansamantalang makikituloy ang mga delegado, ayon kay regional police director Chief Supt. Rudy Lacadin.
Sinanay ang mga miyembro ng contingent sa civil disturbance management, pagbabantay ng convoy, at traffic management bago ipinadala, aniya.

 

Read more...