Hamon ni Jm sa ama: Ikukulong mo uli ako sa rehab?

jm de guzman

MATAPANG na hinarap ni JM de Guzman ang ilang netizens na pa-tuloy na nanlalait at nambabagsak sa kanya, lalo na sa walang kamatayang isyu ng droga.

Idinaan ng Kapamilya actor sa kanyang Instagram account ang kanyang saloobin tungkol sa balitang may matindi na naman siyang pinagdaraanan ngayon dahilan para tanggalin siya sa afternoon series ng ABS-CBN na All Of Me at hiwalayan ni Jessy Mendiola.

Sa unang post ni JM, hinamon pa niya ang kanyang ama kung may balak itong ibalik siya sa rehab, “Hey dad, are you going to send me to rehab again? Some things are just none of my business.

Hey balls.. I’ll hold on to you very tight. Bullies become bullied. It’s time.” Maraming tagasuporta ng aktor ang nagpahayag ng simpatya sa kung anuman ang mga bagong problemang kailangan niyang lagpasan.

Ngunit sabi naman ng binata, huwag daw lagyan ng malisya o ibang kahulugan ang mga ipinopost niyang mensahe sa kanyang IG. Kasabay nito, isang video rin ang ipinost ni JM sa IG kung saan mapapanood ang kanyang pakikipag-sparring.

Narito ang mahabang caption ni JM: “Freetha man. He not thamon – palayain na sana please Lord. Napa-kabuting tao nya. guys.. Pag masaya ako nakakalungkot. Pag tahimik may problema.

Pag malungkot naka droga. Guys… Guys…eto ako. Live with it. But comment whatever you want. Ill still be at your service. I LOOK and ACT like this so.

“You therefore conclude? Lemme guess. (Sayang. Adik) we can do anything in this world. Stop living your life with ideals. Its fun to be crazy sometimes.” Bukod dito, inamin din ni JM na affected siya sa patuloy na pagdidikit ng kanyang pangalan sa isyu ng drugs.

Aniya, “I’m a half naked hairless man with a hair blower. Harmless. Used to be a simple easy going guy.
“The wild world was exposed at an early age. Drugs, sex and rockenroll. Went hardcore.

But it never crossed my mind to hurt somebody. Only wanted in my little ways and effort help this industry society country world a better place. “Coz that’s why addicts use. They constantly find a little taste of heaven here on earth.”

Ang pakiusap lang niya sa kanyang fans ay huwag sanang bumitiw sa pagsuporta sa kanya, “17 months in rehab. 6 months I’ve been running the program. Hear our story. Respect our journey.

“We can be also a big help in our society if you just let us and free us from the undeniable stigma that literally chokes us every day. I am an alchemist. Myself as the test subject.  Nearing into a conclusion.

“Some [of] us risk our lives to answer some questions that might be a big help in the future. Hopefully th[e] kids path are cleared if we are suppor-ted not discriminated. Thanks.

We don’t promote drugs. We are the drugs. Peace.”

Read more...