May natanggap kasi kaming text message tungkol sa dating magdyowa, at sinasabi nga na matagal na raw silang nagkabalikan, ayaw lang nilang aminin sa publiko.
Ayon sa chika, napapadalas daw ang pagkikita nina Lovi at Ronald, at mukhang sweet na sweet na naman daw sila.
Huling nakita ang dalawa sa opening ng restaurant ni Singson kung saan maraming nakakita sa kakaibang sweetness nila.
Pero depensa ni Lovi, wala raw malisya ang pagkikita nila ng dating boyfriend, pero totoong magkaibigan uli sila.
Say ni Lovi, pumunta siya sa opening ng bar ni Ronald bilang pagsuporta sa isang kaibigan.
“Sa Makati yung in-open na bar, hindi sa Tagaytay na sabi sa news.
And… it’s not only his (Ronald’s) kasi kasosyo niya ang ibang friends din namin,” paliwanag pa ng Kapuso actress.“I haven’t been going out with him naman. It’s just that… nagkakataon we’re in the same place, ganu’n, wala namang masama kung magkita kami bilang friends, di ba?” say nito.
Anyway, pinag-usapan at tinutukan ang pagsisimula ng bagong afternoon series ni Lovi sa GMA, ang Yesterday’s Bride.
Ayon sa Oct. 29 NUTAM overnight data mula sa Nielsen TV Audience Measurement, nakapagtala ang Yesterday’s Bride ng household audience share na 41.4%.
Kabilang din ang pilot episode ng programa sa trending topics sa Pilipinas sa sikat na micro-blogging site na Twitter.
Kaya say ni Lovi, “I would like to thank everyone who watched the pilot episode of our show.
Pati mga kaibigan ko from showbiz showed their support.
Marami pa kayong dapat abangan.”
Huwag magpahuli sa mga tumitinding tagpo sa Yesterday’s Bride, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Eat Bulaga, sa GMA Afternoon Prime.