Against pala si Vice Ganda sa network war.
He felt na the showbiz world will be a better place to live kung wala nito.
“Sino ba kasi nagpauso nyang NETWORK WAR?! Such a stupid idea!
Pwede namang masaya lang magkakatrabaho lang ang lahat diba!?” tili niya.
“Could u imagine kung ganun kasaya ang Pinas kung minsan mapanuod nyo si Piolo at Anne Curtis sa Party Pilipinas at si Dingdong at Marian naman sa ASAP,” dagdag pa ng stand-up comedian.“Paano na ang Dream ko na lumabas sa Bubble Gang at mainterview si Joey de Leon sa GGV? Imposible na ba yan dahil sa NETWORK WAR na yan?” dagdag pa ni Vice.
Well, you can always dream naman, Vice. Malay mo magkatotoo.
Pero sa ngayon, mukhang imposible pa ngang matupad ang pangarap mo dahil matindi pa rin ang labanan.
Anyway, mukhang hindi talaga malalagpasan ng “This Guy’s In Love With You Mare” ang kinita ng “Praybeyt Benjamin” .
Well, mahirap naman talagang pantayan ang more than P300 million na kinita ng mas nauna niyang pelikula, ‘no!