LLOYDIE: Magic ‘yung nangyari sa amin ni ANGEL!

Kinilig ang ilang fans sa studio ng The Buzz last Sunday noong batiin ni John Lloyd Cruz ang girlfriend na si Angelica Panganiban ng ‘Hi, Love.’

Kasama ni John Lloyd na nag-guest last Sunday ang partner niya sa bagong teleserye nila sa ABS-CBN na A Beautiful Affair na si Bea Alonzo na nagsimula na noong Lunes sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

Sa The Buzz hayagang umamin na si John Lloyd sa relasyon nila ni Angelica.

A few days before ng pag-amin ni Lloydie ay ibinuking ng direktor na si Dante Garcia na four months na silang mag-on ni Angelica.

“It’s something na hindi namin ine-expect. Parang bigla na lang, ‘Saan galing ‘to? Saan galing ‘yon?’ Suddenly, it’s magic. But seriously, ‘yon talaga ang nangyari,” lahad ni John Lloyd.

Samantala, regalo raw nina Lloydie at Bea ang A Beautiful Affair sa kanilang fans sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng loveteam nila.

Kasama rin dito sina John Estrada, Dimples Romana, John Arcilla, Jaime Fabregas, Maritoni Fernandez, Ana Roces,  Jim Paredes, Slater Young at Megan Young sa direksyon ni Katrina Flores.

Read more...