Tapat ba ang BF na Americano? (2)

Sulat mula kay Isabel ng San Vicente, Sumilao, Bukidnon

Problema:
1. May boyfriend ako sa ngayon isang Americano na nakilala ko lang sa internet at naka-chat hanggang sa tumagal na ng tumagal ang pagkakaibigan namin at naging boyfriend ko na nga siya. Ganon paman, kahit halos sa araw-araw ay nag cha-chat kami may kaba sa dibdib ko na baka niloloko nya lang ako, dahil matagal nya ng sinasabi na dadalaw daw siya sa akin dito sa Pilipinas, pero hindi naman niya ginagawa, sa halip ay puro pangako lang.

2. Kaya lalong lumakas ang kutob ko na baka may iba siyang girlfriend o baka may asawa na siya. Paano ko po ba malalaman kung tapat siya sa akin at totohanin kaya niya ang kanyang pangako na magbi-visit daw siya dito sa atin para magkita kami ng personal this coming 2016? February 10, 1990 ang birthday ko at October 13, 1982 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Isable ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ay nagsasabing sa susunod na taong 2016 sa Enero, Hunyo o kaya’y Nobyembre, malaking suwerte at biglang darating sa iyo, at ang suwerteng ito ay malamang na ang pagdalaw sa iyo dito sa Pilipinas ng boyfriend mong Americano.

Numerology:
Ang birth date mong 10 at 13 naman ang boyfriend mong Americano ay nagsasabing sadyang tugma at compatible kayo kaya malaki ang pag-asa na kayo na nga ang magkakatuluyan.

Graphology:
Magsuot at gumamit kang lagi ng mapalad mong kulay na yellow, green at white upang lalo mo pang maakit ng marami pang su-werte at magandang kapalaran lalo na sa pag-ibig at materyal na bagay.

Huling payo at paalala:
Isabel ayon sa iyong kapalaran sadyang magiging mapalad sa iyo ang taong 2016, kung saan, maaaring sa pagbungad na pagbungad palang ng buwan ng Enero bibisitahin ka na dito sa Pili-pinas ng boyfriend mong Americano upang magkita kayo ng personal. Sa panahong iyong mabilis ang magiging kasunod, kusa na ring mabubuo ang isang tunay at wagas na pagmamahalan na hahantong sa pagpapaksal at sa bandang huli, sa U.S. ka na rin maninirahan upang duon kayo magsama ng maligaya at pang habang buhay.

Read more...