ISANG malaking pangalan sa real estate industry ang nasa likod ng paninira sa kanilang mga kalaban sa industriya.
Kung dati ay kinokopya lang nila ang innovations na ginagawa ng kanilang competitors ngayon ay gumagamit na rin sila ng social media sa pag-atake sa kanilang mga kalaban sa negosyo.
Ayaw nilang lumaban nang parehas kaya nakatuon ang kanilang kampanya sa tinatawag na bashing.
Isa ito sa dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang backlog sa kakulangan ng housing projects sa bansa dahil sa siraan sa industriya.
Dahil siksikan na ang mga tao sa Metro Manila kaya papunta na nga-yon sa nearby provinces ang development pati na ang mga housing projects.
Kung dati ay mahal, ngayon ay pababaan na ang halaga ng mga house and lot pero hindi naman kailangang masakripisyo ang kalidad kaya swak na ito sa budget ng pamilya.
Isa sa pinakamala-king proyekto ay ang 1,600 hectare na Lancaster City sa Kawit at Gen. Trias Cavite na proyekto ng Pro-Friends.
Hindi nakakapagtaka na ito ang target ng ka-laban nilang realty company dahil malaki ang proyektong ito.
Nagtataka lang ako at bakit ako pa ang tinawagan ng grupong nasa likod ng mga paninira at ipinipilit ang kanilang dirty tactics.
Dahil madali na ngayong mag-research, nakita ko na ‘yung pinakamalakas na housing project ang pilit na iti-nutumba ng kanilang mga kakumpetensiya sa industriya.
Hindi uunlad ang housing industry sa bansa kapag hindi nagbago ang ganitong uri ng siraan.
Pinayuhan ko na lang ang taong tumawag sa akin na ayusin nila ang kanilang proyekto para makahabol sila sa quality at innovation na pinasimulan ng kanilang inaakalang kalaban.
Madaling mahuli ang kumpanyang nasa likod ng mga paninira sa real estate industry, sila lang ang mahilig sa “iced tea”.