KAPAG nakuha na ang gusto, hindi na nililingon ang nagbigay-pala sa kanya. Araw-araw, hindi marunong magpasalamat si Pangulong Aquino sa mga biyayang tinanggap niya sa kanyang mga boss. Nagbigay ng taos-puso ang mahihirap noong 2010, pero hindi pinasalamatan ng kalooban at nilalaman ng puso ni Aquino, kahit pahaging-hangin at pagkukunwari man lang.
Iyan ang pagninilay sa Ebanghelyo (1H 17:10-16; Heb 9:24-28; Slm 146:7- 8-9a, 9bk 10) sa lahat ng simbahan sa ika-32 linggo ng karaniwang panahon. Ang homiliya ay para sa pasasalamat sa mga nagtiwala. Ang tiwala ay hindi binibili at ito’y kusa ng mahihirap, na wala sa mayayaman at oligarch, na karaniwan ay sigurista sa kapalit. Kailanman ay hindi nagpasalamat ang pangulo sa tiwalang ibinigay sa kanya, bagkus ay pinabayaan pa niya ang mahihirap.
Balato na ng Liberal Party ang Tacloban kay Vice President Jejomar Binay. Pero, ang botanteng Tacloban ay hindi lang sa Tacloban. Ito’y nakararating din sa matataong Palo, Baybay, Maasin at Ormoc; sa madaling salita, mahigit isang milyon botante. Sa buong araw na programa noong Nob. 8 (Ebanghelyo: Salmong tugunan: kaluluwa ko’y iyong purihin, Panginoon ang butihin, 146:7, 8-9a, 9bk-10), ni anino, o kaluluwa, ng LP ay walang nakita. Sa maghapon, bida sina Binay, Honasan, Romualdez, Marcos.
Madamdamin ang paggunita sa pananalasa ni Yolanda sa Tacloban, lalo na ang isang oras na comme-morative walk mula sa City Hall hanggang sa Astrodome Memorial Ground. Nagningning ang pangalan nina Alma Moreno, Jacel Kiram, Francis Tolentino at Rey Langit. Hindi sila makalilimutan ng Tacloban. Ang inaasahang paghilom ng sugat sanhi ng Yolanda ay lalong lumala at nagtapos sa pagkamuhi nang di sumipot ang kinumbidang Aquino.
Di makatarungang idawit si Bongbong Marcos sa lahat ng pamamaslang noong martial law hangga’t di nalulutas ang mga pamamaslang sa panunungkulan nina Cory at Noynoy. Wala pa ring hustisya sa masaker ng 13 magsasaka sa Mendiola at ang pamamaslang kina Rolando Olalia at Lean Alejandro, na hindi naganap noong panahon ni Ferdinand Marcos.
Mas lalong marami ang namatay sa panahon ni Noynoy, na hindi man lang binigyan ng respeto at pag-kilala, tulad ng walong tu-rista mula sa Hong Kong na namatay sa Luneta, ang mga namatay sa bagyong Yolanda (hanggang ngayon ay may nakukuha pang bangkay pero hindi isinama sa bilang dahil baka raw sinalvage ang mga ito), pagka-ubos ng SAF 44, Jennifer Laude, at marami pang iba. Sa SAF 44, mas pinahalagahan pa ang kotse.
Kailan kaya magagalit at maglalabas ng sama ng loob sa gobyernong Aquino si Francis Tolentino? Nang papasukin sina Rene Almendras at HPG sa EDSA, alam niyang wala na siyang silbi sa mga hepa. Hindi dapat manahimik si Tolentino. Sayang siya dahil masipag din naman siya at walang daliring mapaglaro sa “games.”
Lutang na ang mga pa-ngalang Maria Elma Cena, Marvin Garcia, Careen de Padua, Rommel Ballesteros, atbp. Sa kabila ng nakatindig na mga ebidensiya laban sa kanila, wala pa raw sindikato ng tanim bala sa airport ni Ninoy Aquino. Sige na nga, walang sindikato. Nakaga-wian na lamang ang pagtatanim ng bala para kumita, ganoon ba? Ngayong may imbestigasyon na, bakit marami ang nag-file ng “leave?”
Si Josie de la Cruz, tunay na Bulakenyang maganda’t matalino, ay nagsalita’t nagbigay pugay sa anibersaryo ng Bandera noong Set. 10. Nagkalat na sa Bulacan ang maliliit na puti’t asul na tarpolinang “Ituloy ang laban.” Pero, laban ni Josie ito. Sa mga senior citizens ng lala-wigan, si Josie ang lalaban, hindi ang LP ni Aquino. Nagtatakip ng ilong ang mga Bulakenyo kapag nababanggit ang LP, lalo na sa mga bayang binaha ni Lando, na parang nasa bilaran ng balat ng baka’t kalabaw.
MULA sa bayan (0916-5401958): Umaasa pa rin kami na tatakbo pagka-pangulo si Digong Duterte. …9954
Huwag ninyong tantanan ang tanim bala. Biktima rin ang nanay ko. Nagbayad na lang kami ng P10,000 para makaalis lang siya. …6813