Ate Guy kay Alden: Alam ko pong hinding-hindi lalaki ang ulo niya!

nora alden

NANINIWALA ang Superstar na si Nora Aunor na mananatiling humble ang Pambansang Bae na si Alden Richards kahit na sikat na sikat na ito hindi lang dito sa Pilipinas kundi ma-ging sa iba pang bahagi ng mundo.

Ayon kay ate Guy kahit na sandali lang silang nagkasama noon ng Kapuso superstar sa isang short film noong 2014 ay nakilala na rin niya ito kahit paano. Alam daw niyang mabait na bata si Alden bukod pa sa talagang magalang at gentleman.

Sabi ng Superstar talagang niregaluhan siya ng Diyos dahil sa kanyang kasipagan at kabaitan, “Natutuwa naman po ako sapagkat nakikita ng tao yung kanyang mga pinaghirapan upang maging maga-ling na artista.

At mas makikita pa nila yun pag magtagal. At natutuwa naman po ako doon. “Sana po ay anuman yung mga nararanasan niya na gusto siya ng mga tao na huwag sanang…basta ang wish ko lang sa kanya huwag sanang lumaki ang ulo.

Pero sa pagkakakilala ko sa batang yun, imposibleng mangyari yun,” chika pa ni Ate Guy nang makapanayam ng media sa grand presscon ng bagong primetime series ng GMA na Little Nanay na pinagbibidahan din nina Eddie Garcia at Kris Bernal.

Inamin naman ni Ate Guy na hindi pa siya talaga nakakapanood ng kalyeserye nina Alden at Maine Mendoza alyas Yaya Dub sa Eat Bulaga pero nababalitaan niya ang tagumpay nito sa telebi-syon.

May nagkuwento rin sa kanya na ginaya ng AlDub ang Guy & Pip (Tirso Cruz III) loveteam sa isang episode ng Eat Bulaga. Kung mabibigyan daw ng chance, gusto rin daw makilala ni Ate Guy si Yaya Dub.

Pero tumanggi ang award-winning actress na magkomento sa paghaha-lintulad sa kanila ni Maine, “Alam n’yo mahirap magsalita kung ako ang tatanungin niyo.

Yung mga tao na lang ang tanungin n’yo pagdating doon sa ganu’n kasi napakaano naman kung ako ang sasagot.”

Read more...