Inaprubahan na ng House committee on appropriations ang panukalang dagdag-sahod sa may 1.3 milyong empleyado ng gobyerno sa susunod na taon.
Pero bago ito ay umangal si ACT Rep. Antonio Tinio dahil kulang umano ang panukalang taas sa sahod at ang makikinabang lamang umano rito ay ang mga nasa matataas na posisyon.
Matapos ang ilang oras na deliberasyon, inaprubahan ng komite na pinamumunuan ni Davao Rep. Isidro Ungab ang House bill 6268 kung saan nakapaloob ang probisyon na makatatanggap na ng 14 month pay ang mga empleyado.
Hindi papatawan ng buwis ang 14th month pay ng mga empleyado na sumasahod sa ilalim ng Salary Grade 1 hanggang 11 o 606,000 manggagawa. Ang SG1 ay sumasahod ng P9,000 at ang SG11 ay P20,000 kada buwan.
Nauna ng inaprubahan ang tax exemption sa 13th month pay o Christmas bonus na hindi lumalagpas sa P82,000.
Sinabi ni Tinio na 11.89 porsyento lamang ang magiging taas sa sahod ng public school teacher na nasa pinakamababang posisyon. Nagkakahalaga ito ng P551.25 kada buwan.
Pero sinabi ni Budget Sec. Florencio Abad na hindi ito totoo. “It is not true that the hike for the teachers’ salary will only be at 11.89 percent. The proposed SSL includes a tax free mid year bonus and performance-based bonus for those under Salary Grade 11 where majority of the teachers belong. This means more take home pay for them. Considering those, the increase would be as much as 30 percent.”
Kung magpapadala ng sertipikasyon ang Malacanang maaari ng ipasa ng Kamara ang panukala sa ikalawa at ikatlong pagbasa kagabi.
Taas-sahod sa gobyerno aprub na
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...