Kasong graft ang isasampa ng Office of the Ombudsman laban sa dating mayor ng Benguet at iba pang ospiyal nito kaugnay ng P1.9 milyon fertilizer fund scam noong 2004.
Sa inilabas na desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sinabi nito na may sapat na batayan upang magsampa ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act laban kay ex-Bakun Mayor Bartolome Sacla, Sr., Municipal Treasurer Manuel Bagayao, Municipal Accountant Virginia Kigisan at Dolly Villaflor ng Bry Cin Enterprises.
“All these circumstances showed that public respondents, in conspiracy with Dolly Villaflor, acted with manifest partiality and gross inexcusable negligence in the procurement of nutro ocean fertilizers thereby causing undue injury to the municipality of Bakun and giving unwarranted benefit, advantage and preference to Bry Cin Enterprises and/or Dolly Villaflor,” saad ng resolusyon.
Ayon sa Ombudsman nakatanggap ang munisipyo ng Bakun ng P1.95 milyon mula sa Department of Agriculture sa ilalim ng Farm Inputs and Farm Implements Program. Ipinambili umano ito ng Nutro Ocean Liquid Fertilizers sa Bry Cin Enterprises sa halagang P1,500 kada bote.
Sinabi ng Commission on Audit na hindi dumaan sa public bidding ang pagbili ng 1,300 bote ng fertilizer. Binayaran din umano ito noong Mayo 7, 2004 pero nadeliver lamang noong Mayo 14, 2004. Overprized din umano ito ng P1.74 milyon at ang mga fertilizer ay substandard bukod pa sa hindi nakarehistro sa Fertilizer and Pesticides Authority.x mayor
Ex-mayor nahaharap sa graft kaugnay ng fertilizer fund scam
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...