Sickness benefits sa SSS | Bandera

Sickness benefits sa SSS

Liza Soriano - November 11, 2015 - 03:00 AM

ANG papa ko po ay nadiagnose ng lung cancer. Ano pong benepisyo ang maaaring maibigay ng SSS sa kanya? Kela-ngan po siyang mag-undergo ng 12 na chemo. Active member po siya ng SSS sa loob ng 5 taon.

Ronald Dela Vega
Valenzuela City
REPLY: Para sa iyong katanungan Mr. Dela Vega, maaaring makatanggap ng sickness benefits ang iyong ama bilang kwalipikadong miyembro ng SSS.

Ang mga kwalipikadong miyembro ng SSS ay entitled sa sickness and disability benefits.

Para makakuha ng benepisyon, una, kung pansamantalang hindimakapagtrabaho dahil sa sickness o injury o na-confine sa hospital o maging sa bahay sa loob ng apat na araw;

Pangalawa, kinakailangang may 3 monthly contributions sa loob ng 12 months bago ang semester ng pagkakasakit;

Pangatlo, nagamit na ang kanyang company sick leaves with pay sa kasalukuyang taon;

At pang-apat ,i-nabisuhan ang Employer o SSS lalo na sa mga vo-luntary o self-employed member.

Ang sickness benefit ay daily cash allowance na ibinibigay para sa isang miyembro na hindi nakakapagtrabaho dahil sa sickness o injury.

Sakali naman na naubos na ang sickness be-nefits ay maaari naman na mag-avail ng disability benefits.

Maliban dito, kwalipikado rin siya sa pension as partial disability.

Ms Lilibeth Suralvo
Senior Officer,
Media Affairs
Department
SSS

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending