Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
2 p.m. UST vs Adamson
4 p.m. UP vs La Salle
Team Standings: FEU (10-2); UST (10-3); Ateneo (9-4); NU (6-7); DLSU (5-7); UE (4-8); UP (3-9); Adamson (3-10)
TWICE-to-beat advantage sa Final Four ang aasintahin ngayon ng University of Santo Tomas sa pagharap sa talsik na pero inspiradong Adamson University sa 78th UAAP men’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.
Sa ganap na ika-2 ng hapon magsisimula ang aksyon at kapag nanalo ang Tigers ay magtatapos ito na may 11-3 baraha at mabibigyan ng importanteng insentibo sa semifinals.
Galing ang UST mula sa 85-76 panalo sa nangungunang Far Eastern University at tiyak na ibubuhos uli ng Tigers ang lahat ng makakaya para makaiwas sa anumang playoff.
Naghahabol sa UST ang Ateneo (9-4) at sakaling matalo ang Tigers ngayon ay mabibigyan ng pagkakataon ang Blue Eagles na makatabla ang UST para sa pangalawang puwesto sa pagtatapos ng elimination round.
Manatiling buhay ang laban para sa huling upuan patungong semifinals ang gagawin ng La Salle sa pagharap sa talsik na ring UP sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.
Nabigo ang Archers sa karibal na Ateneo, 62-73, para bumaba sa ikalimang puwesto sa 5-7 karta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.