Si Kris Aquino pala ang magiging host sa lunch ng First Ladies na dadalo sa APEC Economic Leader’s Meeting na mangyayari sa Nob. 18-19
Kaya sa pamamagitan ng Kris TV noong Lunes ay may pakiusap ang TV host-actress, “Karangalan natin ito na pupunta sila lahat dito. So mag-behave tayong lahat please.”
Darating sa Pilipinas ang lahat ng leader ng mga bansang kasama APEC kabilang na sina US President Barack Obama at Russian President Vladimir Putin para dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting.
Mauunang dumating ang Unang Ginang ng Chile sa Nob. 16 at iba pang galing sa mga bansang South America. Sabi pa ng Queen of All Media, “Tinatrabaho namin ‘yung 19 lunch para doon sa mga first ladies, 10 lang ‘yung nag-confirm.
“Ang mga first ladies na confirmed na darating, Singapore, Indonesia, Japan, tapos Malaysia, Thailand, New Zealand, Vietnam, Hong Kong and Colombia. Type ng mga Pinoy ang Colombia na ‘yan,” aniya pa.
Ang bansang Mexico ang pinakamalaking trading partner ng Pilipinas dahil sa Pemza na umabot daw sa 2.3 billion ang in-invest nila rito. At dahil abala si Kris sa APEC Summit ay tigil muna ang shooting ng 2015 MMFF entry nilang “All We Need Is Pag-ibig”.