HINDI maiiwasan na sabihin na konektado sa eleksyon ang inaasahang pagtaas sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno simula sa Enero 2016.
Ang isa sa inaasahang sasabihin ng mga kritiko ng gobyerno, magtataas ng suweldo ang gobyerno para manalo ang manok ni Pangulong Aquino na si dating DILG Sec. Mar Ro-xas—ang inatasan niya na magpatuloy ng sini-mulang Daang Matuwid.
Makikinabang sa Salary Standardization Law 2015 ang 1.3 mil-yong empleyado ng gobyerno.
Kung tutuusin napakaliit ng bilang na ito kung ikukumpara sa P54.6 milyong botante sa 2016 elections, batay sa inilabas na datos ng Commission on Elections.
Sabihin na natin na boboto kay Roxas ang lahat ng mga empleyado ng gobyerno at mga botante sa kanilang pa-milya, parang kulang ito para manalo siya di ba?
Kung ganito siguro ang gustong mangyari ni Aquino, ang dapat nilang gawin ay itaas ang sahod ng mga nasa pribadong sektor. Mas maraming empleyado ang nasa pribadong sektor at baka sakaling maenganyo ang mga ito na iboto si Ro-xas.
Hindi rin naman si-guro iboboto si Roxas dahil ipinanukala ng Aquino government na bigyan ng 14th month pay ang mga pampublikong empleyado?
Sabi ng isang taga-gobyerno, matagal-tagal na rin silang hindi nakakatikim ng salary increase, at ngayong may linaw na ito bakit ginagamit pa sa pamumulitika?
Kung natatakot umano ang kalaban ni Roxas na iboto ito para sa wage hike, eh di ma-ngako rin sila na itataas ang sahod ng manggagawa kapag sila ang nanalo.
Isa pang punto, ayon sa Salary Standardization Law 3 na huling i-pinatupad noong 2012, kailangang i-review ng Department of Budget and Management ang sahod ng mga empleyado ng gobyerno matapos ang tatlong taon makaraan ang huling pagpapatupad nito.
Kaya hindi rin siguro masisisi ang DBM kung bakit ngayon lang nila ipinanukala na magtaas ng sahod makaraang magsagawa ng pag-aa-ral.
Ang bagong pagtataas ay ipatutupad ng apat na bagsak o matatapos ng 2019. Sana may probi-syon sa SSL of 2015 na muling pag-aralan kung sapat pa ang sahod sa gobyerno makalipas ang tatlong taon.
Ang tingin ng marami, ang magpupukpukan sa presidential race ay si Roxas at si Sen. Grace Poe.
Naaalis na sa equation si Vice President Jejomar Binay dahil sa mga kinakaharap nito at ng kanyang pamilya na alegasyon ng katiwalian.
Kaya tuloy mayroong mga natatakot.
Baka daw kasi maulit na naman ang nangyari noong 2010 vice presidential polls.
Ang nakikita noong maggigirian ay si Roxas at Sen. Loren Legarda. Hindi masyadong napapansin si
Binay na siyang nanalo.
Kung mapapabayaan si Binay baka umano siya ay maka-‘silent move’ nanaman at manalo sa bilangan.