Apat katao ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin habang nag-iinuman sa Arayat, Pampanga, kagabi.
Agad nasawi sina Jerry Calma, 23, Ronald Allan Lumbang, 23, at Reymart Lampasa, 17, sabi ni Senior Supt. Rodolfo Recomono, direktor ng Pampanga provincial police.
Isinugod pa sa ospital si Nelson Soriano, 17, pero binawian ng buhay, sabi ni Recomono nang kapanayamin sa telepono.
Patuloy namang nagpapagaling sa ospital sina Billy Pineda, 24; Aljon Manlapat, 20; and Aljon Lumbang.
Naganap ang insidente pasado alas-8 ng gabi sa Brgy. San Juan Bano.
“May drinking session noon, nag-iinuman, then suddenly may nagpaputok ng baril,” ani Recomono.
Lumabas sa inisyal na pagsusuri na M16 rifle ang ginamit ng mga salarin, aniya.
Di pa matiyak kung ilan ang nasa likod ng pamamaril dahil madilim noon sa lugar, ayon sa police official.
Inaalam pa rin aniya ng lokal na pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin. (John Roson)
– end –
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.