Isang babae ang nasawi nang lamunin ng apoy ang isang panaderya at katabi nitong restaurant sa Batangas City ngayong umaga, ayon sa pulisya.
Patay na nang matagpuan ang babae, na nakilala lang sa pangalang “Catherine,” matapos niyang ma-trap sa loob ng pinagtatrabahuhang Bukatots Food Station, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.
Naganap ang sunog sa Rizal Ave., Brgy. 18.
Nagsimula umano ang apoy sa La Suerte Barkery na pag-aari ng isang Mawel Ong alas-7, at kumalat sa katabing Bukatots Food Station na pag-aari ng isang Roman Frane, ayon sa ulat.
Mabilis kumalat ang apoy, na pinaniniwalaang dulot ng “gas leak,” pero naapula din agad ito ng mga bumbero alas-7:30, ayon sa pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.