Biglang nagkagulo sa EK dahil kina Benjie at Pokwang

wang fam cast

LITERAL na nagkagulo ang mga taong nasa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna nitong nakaraang Linggo nang mag-flashmob at mag-show ang buong cast ng horror-comedy film na “Wang Fam” ng Viva Films.

Mga bagets man o matatanda, hindi nagpahuli sa pagpapa-picture at pakikisaya sa mga bida ng “Wang Fam,” sa pangunguna ng versatile comedienne na si Pokwang kasama ang mag-amang Benjie at Andre Paras, Yassi Pressman, child wonder na si Alonzo Muhlach, Candy Pangilinan at Dyosa Pockoh.

Kasing-init nga ng tirik na tirik na araw nu’ng hapong iyon ang na-ging pagtanggap ng fans sa grupo ng “Wang Fam,” kaya maging sa dinner na ginawa sa Amazon area, pinag-kaguluhan din sila at game na game na nakipag-selfie ang mga artista.

Click din ang maikling show na hinandog ng “Wang Fam” sa may food court area at talagang natigil ang mundo ng Enchanted Kingdom dahil ayaw ma-miss ng fans ang pagpe-perform ng mga idolo nila.

Unang sumalang sina Candy at Dyosa na namigay ng libreng premiere night tickets para sa premiere showing ng “Wang Fam” sa SM Megamall sa Nov. 17.

Sinundan sila ni Alonzo, na bentang-benta ang pagkanta’t pagsayaw sa One Direction hit na “You Don’t Know You’re Beautiful.” Siyempre, patok din ang tilian ng audience sa kilig number ng Yandre (Andre at Yassi), na live na nag-twerk it like Miley pa sa stage.

Sumabog naman ang halakhakan nang rumampa na sa stage ang “Wang Fam” loveteam na Bewang (Benjie at Pokwang) at magpasiklaban ng mga nakatutuwang hugot at pick-up lines.

Gaya ng sabi ni Pokwang, walang gagawin ang fans kundi tumawa lang nang tumawa habang nanonood ng pelikula na showing na sa mga sinehan nationwide sa Nov. 18 sa direksyon ni Wenn Deramas.

Read more...