Sam game na game sa hubaran; lumelebel daw kay Justin Bieber

sam concepcion

INILUNSAD na si Sam Concepcion bilang endorser ng Calayan SurgiCenter ng sikat na beauty surgeon na si Dr. Manny Calayan at ang kanyang misis na si Dra. Pie Calayan.

Ie-endorse ni Sam ang body sculpting treatment, meaning mas pagagandahin pa ang katawan ni Sam para mas lalong maging hunk.

Simula na raw ‘to ng pagbabago ng imahe ng binata bilang artista. Kaya huwag nang magulat if one day ay ma-sight na natin si Sam na medyo nagpapa-sexy sa kanyang performance o ‘di kaya ay maghubad ng kanyang shirt sa stage o sa teleserye.

“E, si Dr. Manny kasi,” nangingiti niyang sabi. “Unang-una siguro kung mangyari ‘yun parang ano na lang, parang icing on the cake na lang. Parang bonus na lang doon sa package pero syempre ‘yung focus ko pa rin talaga ‘yung material na music na ginagawa ko kasi ‘yun naman ang tatagal, hindi ‘yung hitsura mo,” sabi ni Sam.

Maybe it’s about time na makilala na si Sam as a mature artist. Ang tagal din kasing tumatak sa isip ng publiko ‘yung batang singer na nag-champion sa Little Big Star noon. “Twelve lang ako nu’ng mag-start sa Little Big Star.

‘Yun nga, e, sa tagal, hindi rin kasi ‘yung, hindi ako nag-break. So, kung napanood mo ako noon pa, hindi mo alam kung kailan tumanda. Parang, Michael Jackson ‘di ba? Bigla na lang, ang hirap i-accept (na lumaki) ‘di ba? Parang si Justin Beiber, bata siya tapos biglang, ‘Ano’ng nangyari sa kanya,” pahayag pa ni Sam.

Marami pa raw siyang gustong mangyari sa kanyang career kahit na ang feeling ni Sam ay ang tagal na niya sa showbiz. “Ngayon that I’m pretty much older parang ang dami pang possibilities na pwedeng gawin, ‘di ba? Pwede pang i-try.

I think that’s the good thing being a young-adult, I can try different things pa,” pahayag pa ng singer-actor. In fairness, marami talaga ang nakakapansin sa pagganda ng katawan ngayon ni Sam. Nagbunga rin ang kanyang page-exercise kasabay ng pagpapa-body sculpting.

“Actually, medyo mahirap humanap ng time sa exercise pero kailangan, e. Kapag kaya, nage-exercise, kaka-23 ko lang,” paliwanag pa niya. Abangan ang paglabas ng sexy promo materials ni Sam lalo na raw soon sa isang layout ni Sam nakahubad siya, topless at naka-jogging pants.

Busing-busy din kasi si Sam ngayon especially nagsimula na noong Lunes ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang You’re My Home. Proud si Sam sa bago nilang teleserye dahil kasama niya ang mahuhusay na artistang sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Sam will play an integral role sa You’re My Home that will challenge his acting skills. Kasama rin ni Sam sa serye sina Jessy Mendiola, Precious Lara Quigaman, Assunta de Rossi at ang bagong magka-loveteam na sina Mika dela Cruz at Paul Salas. Mapapanood ang You’re My Home pagkatapos ng On The Wings of Love.

On a personal note, itinanggi ni Sam na nagkabalikan sila ng ex-girlfriend niya na si Jasmine Curtis. Pero inamin niya na tuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa.

If ever maging sila ulit ni Jasmine, feeling ni Sam hindi naman nila ‘yun maitatago especially sa social media. “Kahit gaano ka kagaling hindi mo naman matatago, e.

I think it’s a matter of kung masasanay ang mga tao na meron kaming personal life and our careers. Kasi somehow ‘yung line between that is blurred.

Syempre, the audience, the fans, the viewers, will always see our personal life and your career the same minsan, e, ‘di ba?” Kaya nga raw may mga magkalabtim ang nagkakagulo dahil sa kanilang personal relationships.

“Meron silang sariling buhay pero, hindi mo matatago. Pero hindi pa rin talaga nila naiintindihan. Pero ganoon talaga, e. Kaya if one will go into a relationship, just make it worth I guess, kasi may ups and downs.”

Read more...