Jimboy Martin, Miho Nishida itinanghal na PBB 737 Big Winners

jimboy martin

Tinanghal na Big Winners sina Jimboy Martin at Miho Nishida sa Pinoy Big Brother 737 matapos makakuha ng pinakamataas na porsiyento ng mga boto mula sa publiko sa Big Night ng programa na idinaos sa Albay Astrodome sa Legazpi City nitong Linggo.

Si Jimboy, ang 17 taong gulang na “Barrio Rapper ng Nueva Vizcaya” ang naging Teen Big Winner na nakakuha ng 56.76% ng mga boto laban sa Second Teen Big Placer na si Ylona Garcia, na nagkamit ng 43.24%.

Landslide winner naman si Miho Nishida, ang “Sexy Mommy ng Japan” sa nakuha niyang 81.96% ng mga boto, samantalang 18.04% naman ang natanggap ng Second Big Placer na si Tommy Esguerra.

Parehong nagwagi sina Jimboy at Miho ng Asian tour package, house and lot, at P1 milyon in cash.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa sampung taon ng PBB na dalawang Big Winners ang itinanghal sa iisang Big Night.

Read more...