AFTER a few ups and downs sa standing niya sa Your Face Sounds Familiar Season 2, nasungkit din ng napakahusay nating singer/performer known to many as the Harana Prince na si Michael Pangilinan ang first place sa nakaraang episode nito.
He garnered a total of 40 points, one of the few highest scores na nakamit during the entire season, and the coveted P100,000 prize – P50,000 goes to his chosen cha-rity, Ang Bantay Bata Foundation, and half of which ay take home money na niya.
He impersonated Bono of U2 with the hit song “With Or Without You”. “Thank God at nakatsamba ako for the first time. Sarap pala ng feeling ng isang winner kahit sa weekly episode lang namin. Ha-hahaha!
We are having so much fun though lahat kami ay talagang ginagalingan namin ang every week’s performance. “Depende lang din sa icon na mapipili mo para gayahin, maraming pagkakataong napupunta sa akin ang mahihirap na icons na kahit anong gawin mong panggagaya ay mahihirapan ka talaga.
Pero oks lang i-yon. It’s the experience to be part of the show. Isang malaking blessing na iyon for me. I don’t expect anything in here, basta I will just do my very best para makapag-perform nang maayos.
Good luck na lang sa aming lahat,” ani Michael na lalong pinagbubutihan ang kaniyang singing career.
Naku, abangan n’yo rin siya sa kaniyang “Michael Sounds Familiar” concert na gaganapin sa Music Museum come Dec. 18 this year.
Guests niya sina Kuya Randy Santiago (na ka-birthday niya on Nov. 26) and Gabrielle C. (anak nina Gabby Concepcion and Grace Ibuna) with the very special participation of Gandang Lalaki grand winner Nikko Seagal Natividad, Sexbombs Aira and Louise. Tiyak na riot ang show na ito.
“Magda-dance showdown kami ni Nikko with the Sexbomb. Ang gaganda ng songs na inihahanda namin dito. Maraming bago. Basta huwag kayong mawawala sa Music Museum at kami na ang bahalang magpasaya ng gabi ninyo sa Dec.18,” Michael promises.
Anyway, tatlong award-gi-ving bodies ang pumansin kay Michael this year – ang Star Awards for Music, Aliw Awards and Awit Awards. Kung anuman ang kahihinatnan ng nominations ni Michael sa kanila, good luck na lang sa kaniya.
Sana makasungkit siya ng kahit anong trophy man lang. “For me, the nominations are already enough. Pag nanalo, bonus na malaki na iyon for me. Thank God for all these,” he enthused.