Ika-4 na disqualification case vs Poe inihain ng isang ex-law dean

47-year-old Grace Poe from Quezon City. Presidential aspirant.

47-year-old Grace Poe from Quezon City. Presidential aspirant.


ISINAMPA sa Commission on Elections (Comelec) ang ika-4 na petisyon para madiskwalipika si Sen. Grace Poe.

Inihain ni dating University of the East College of Law Dean Amado Valdez ang panibagong kaso laban kay Poe na kumukuwestiyon sa kanyang citizenship.

Sinabi ni Valdez na nawala ang natural-born status ni Poe nang i-renounce niya ang kanyang Filipino citizenship para maging citizen ng United States (US).

“When you lost your citizenship, there’s no way you van reacquire your natural born status,” sabi ni Valdez.

“At best, she is a repatriated Filipino citizen under Republic Act 9225 (Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003),” dagdag ni Valdez.

Nauna nang nagsama ng petisyon laban kay Poe sina dating senador Francisco “Kit” Tatad at La Salle University political professor Antonio Contreras.

“Ang epekto ng kanyang renunciation of Filipino citizenship, ang sinasabi natin dito, even if she had reacquired her Filipino citizenship, ang sinasabi natin dito, even if she had reacquired her Filipino citizenship at nirenounce niya ‘yung kanyang American citizenship, ang nare-acquire niya ‘yung kanyang status as Filipino citizenship but not natural-born,” giit ni Valdez.

Idinagdag pa ni Valdez na,”Sa Constitution, ang natural-born, hindna kailangang gumawa pa ng hakbang para maging natural-born.”

Read more...