Kalansay bumulaga sa beach

nasugbu
Isang kalansay ng tao ang nahukay ng magkakaibigan habang naglalaro sa isang beach sa Nasugbu, Batangas, iniulat ng pulisya ngayong araw.

Nadiskubre ang kalansay sa baybayin ng Sitio Layag-layag, Brgy. Papaya, pasado alas-3 ng hapon Sabado, ayon sa ulat ng Batangas provincial police.

Sinabi sa pulisya ng seaman na si Alejandro Delima, 23, na naglalaro siya at ang mga kaibigan sa dalampasigan nang mapansin ang isang buto na bahagyang natatabunan ng buhangin.

Hinukay ng magkakaibigan ang buto, hanggang sa matagpuan ang kalansay, ayon sa ulat.

Pinaniniwalaan na tinangay ng alon ang kalansay sa baybayin ng Nasugbu noong bumagyo, ayon sa ulat.

Read more...