Naglagak ng P30,000 piyansa kahapon si Sen. Lito Lapid kaugnay ng kinakaharap niyang kasong graft sa Sandiganbayan First Division.
Pumunta na sa korte si Lapid bago pa man nagpalabas ng korte ng arrest warrant laban sa kanya.
“We will face the charges, agbail na agad na hindi ko na hinintay na may warrant of arrest,” ani Lapid.
Si Lapid ay kinasuhan kaugnay biniling fertilizer na nagkakahalaga ng P4.7 milyon noong 2004 kung kailan siya ang gubernador ng Pampanga. Overpriced umano ng P4.2 milyon ang biniling fertilizer na hindi dumaan sa tamang proseso.
Kasama ni Lapid sa kaso sina Benjamin Yuzon, provincial accountant, at Vergel Yabut, treasurer ng Pampanga, Ma. Victoria Aquino-Abubakar at Leolita Aquino, mga incorporators ng Malayan Pacific Trading Corp., at Dexter Vasquez, proprietor ng DA Vasquez Macro-Micro Fertilizer Resources.
Nagsabwatan umano ang mga akusado noong Mayo 2004 kaugnay ng pagbili ng overpriced na fertilizer.
MOST READ
LATEST STORIES