Tinatayang 10 milyong Filipino, na nasa edad ng pagtatrabaho, ang walang hanapbuhay, batay sa survey ng Social Weather Station.
Ayon sa survey na isinagawa noong third quarter, mayroong 69.4 porsyentong adult participation force o 42.4 milyong adult bahagyang mas mababa sa 74 porsyento na naitala sa second quarter survey.
Wala namang trabaho ang 23.7 porsyento (10 milyong adult) bahagyang mas mababa sa 23.2 porsyento (10.5 milyong adult) sa survey noong Hunyo.
Sa mga walang trabaho, dalawang porsyento ang tinanggal, walong porsyento ang hindi na na-renew ang kontrata, isang porsyento ang nagsara ang pinapasukan, walong porsyento ang boluntaryong umalis sa pinapasukan at apat na porsyento ang hindi pa nararanasang magtrabaho.
Umaasa naman ang 35 porsyento na darami ang mapapasukang trabaho sa susunod na 12 buwan, 34 porsyento ang naniniwala na hindi magbabago, 21 porsyento ang kokonti at 10 porsyento ang hindi alam ang sagot.
Ginawa ang survey mula Setyembre 5-7 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.
10M Pinoy walang trabaho
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...