Celebrity stylist na si Liz Uy naghain ng P11M libel case vs Fashion Pulis blogger

LIZ UY

LIZ UY


NAGSAMPA ang celebrity stylist na si Liz Uy ng mga kasong online libel at grave slander laban sa Fashion Pulis blogger na si Michael Sy Lim kaugnay ng umano’y mali at malisyosong post nito sa social media kaugnay ng kasuotan ni Yaya Dub na Maine Mendoza sa totoong buhay.

Humihingi rin si Uy ng P11 milyong danyos matapos ihain ang reklamo sa Makati Prosecutor’s Office kahapon.
Sa 24-na-pahinang reklamo, partikular na binanggit ni Uy ang mga post ni Lim sa kanyang Twitter at isinulat sa kanyang blog sa website ng Fashion Pulis, kung saan binatikos niya si Uy matapos umanong pagsuotin si Mendoza ng “a recycled gown” sa isinagawang “Tamang Panahon” ng Eat Bulaga’s sa Philippine Arena noong Oktubre 24 at isang “hand-me-down jacket” para sa isang magazine photoshoot.

Sinabi ng abogado ni Uy na si Lorna Kapunan na layunin ng mga post na sirain ang reputasyon ng celebrity stylist at kasuklaman siya ng mga fans ng AlDub.

“I have been receiving hate mails because of the allegations,” sabi ni Uy.

Ipinagtanggol naman ni Uy kung bakit umabot ng dalawang linggo bago siya naghain ng kaso, sa pagsasabing pinaghandaan pa niya ito.

“I hope he checks his information first before writing about it,” sabi ni Uy.

Read more...