James kay Nadine: Buksan mo uli ang puso mo at hayaan mo ulit mahalin kita! | Bandera

James kay Nadine: Buksan mo uli ang puso mo at hayaan mo ulit mahalin kita!

Ervin Santiago - November 09, 2015 - 02:00 AM

james reid

Kung bitin na bitin kayo sa super kilig episode ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na On The Wings Of Love last Friday, tiyak na mas mapapatili at mapapa-kagat-labi kayo sa mga susu-nod na eksena nina Clark (James Reid) at Leah (Nadine Lustre) ngayong linggo.

Talagang affected ang viewers sa nakakatunaw na eksena nina James at Nadine sa huling episode nu’ng Bi-yernes kung saan pinipilit ng binata si Leah na bigyan ng second chance ang kanilang relasyon.

Siyempre, halos mamatay na naman sa inggit ang mga girls at beki kay Nadine na sing-haba ng MRT at LRT ang hair pag kasama na si James.

Tumatak sa mga certified OTWOListas ang dialogue ni James sa nasabing episode na, “Ngayon lang ako nagmahal ng ganito at alam ko ngayon ka pa lang minahal ng ganito. Kaya sana buksan mo ang puso mo.

Hayaan mo ulit mahalin kita. It’s the greatest feeling, right? When you love someone, and that someone loves you back.”In fairness, kahit ang ilang Kapamilya stars ay apektado na rin sa love story nina Leah at Clark, isa na nga riyan si Luis Manzano na nag-tweet pa ng, “Ohhhhhhhhkay, napa smile ako sa kiss ni Leah and Clark…!”

Samantala, aliw na aliw din ang viewers sa iba pang karakter sa OTWOL lalo na kina Tolayts (Nico Antonio) at Adrian (Matt Evans) na nagpapasikat ngayon para makuha ang loob ni Gabby (Nhikzy Calma), ang anak ni Tiffany (Bianca Manalo) kay Adrian.

“Dati noong walang tatay ang anak ko, hindi naman ako nagkakaproblema. Ngayon, parehas silang pasaway,” ang sumbong ni Tiffany kay Mang Sol (Joel Torre).

Kaya para hindi mahuli sa kuwentuhan ng bayan, tumutok gabi-gabi sa On The Wings Of Love sa Primetime Bida after Pangako Sa ‘Yo. Ito’y sa direksiyon nina Jojo Saguin at Antoinette Jadaone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending