Pokwang: Hindi po ako iyon, alam naman nating lahat kung sino!
SI Pokwang na nga ba ang bagong Comedy Queen ng ABS-CBN? Isa ‘yan sa mga naitanong kay Pokey during the presscon of Banana Sundae, ang sitcom na papalit sa Banana Split na mapapanood na tuwing Linggo simula Nov. 15.
May mga nagsasabi kasi na ngayong wala na sa Kapamilya network ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, pwedeng-pwede na siyang tawaging bagong Reyna ng Komedya sa Dos.
“Wow, Comedy Queen talaga! Hindi naman po ako iyon. Alam naman natin kung sino si Comedy Queen,” ang unang reaksiyon ni Pokey. Hirit pa nito, “Basta ako, masaya lang ako na kasama ko sila ulit (Banana Sundae cast).
Iyon lang po iyon. Basta happy ako na nagkasama-sama kami ulit at join forces kami na magbibigay po ng saya every Sunday.” Paano nga kung ibigay na sa kanya ng ABS-CBN ang nasabing titulo? “Sino ba naman ako para mag-inarte?
Alam naman natin na si Ai Ai naman iyon, di ba? Siyempre ako, I have my own way para magpasaya ng mga ito, iyon lang. Ang importante nakakapagpasaya ka, iyon lang iyon. Basta ako, magtatrabaho lang.”
Naging bahagi ng Banana Split si Pokey simula 2009 hanggang 2011, at dahil sa problema sa schedule, napilitang lisanin ng komedyana ang nasabing sitcom at nga-yong ililipat na ito sa ibang timeslot muli siyang nakasali sa cast.
“Noong nag-guest po ako bilang isa po ako sa mga cast dati, nag-guest po ako sa anniversary, siguro po na-miss po ako nila Tita LT (Linggit Tan, executive-in-charge of production). Yun nga, na-miss nila ako, kinausap po ako ni Tita LT kung puwede akong bumalik.
“So, sabi ko, ‘Siyempre, why not?’ Tutal mga anak-anakan ko naman po lahat itong mga ito. And nami-miss ko na rin po talagang mag-comedy din,” aniya pa.
Ang sinasabing mga anak-anakan ni Pokwang ay ang iba pa niyang kasamahan sa Banana Sundae na sina Angelica Panganiban, John Prats, Jason Gainza, Pooh, Ryan Bang, Sunshine Garcia, Aiko Climaco, JC de Vera, Jobert Austria, Badji Mortiz at ang bagong member ng cast na si Jessy Mendiola.
Samantala, miss na miss na ni Pokwang ang kanyang American boyfriend na si Lee O’Brien? Kasalukuyang nasa US si Lee para sa ilang commitments nito. Kumusta naman siya ngayong wala sa tabi niya si Lee, “Okay naman kami.
Pabalik palang siya itong November 18. Magwa-one month na siyang wala.” Miss na niya ang dyowa pero aniya, mas okay daw ‘yung may miss factor para mas maging exciting kapag nagkita uli sila.
“Tsaka, marami namang way of communication nga-yon na parang malapit lang kayo sa isa’t isa. Nandiyan naman ang Facetime. Alam n’yo naman ang Facetime at saka mga text-text, di ba?” chika pa ni Pokey,
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.