Chiz naka-jackpot kay Heart; maganda na, sexy pa

chiz escudero

Napakasuwerte talaga ni Sen. Chiz Escudero sa kaniyang mala-diyosang misis na si Heart Evangelista.
Imagine, literal na “walang tapon,” ayon kay art director Paula Pangan nang namimili siya ng picture ng aktres na gagamitin sa beauty book na “This is Me, Love Marie” ng Summit Books.

“No wasted outtakes for this beauty! We had a hard time choosing the best photos for @iamhearte, lahat maganda! #ThisIsMeLoveMarie Coming Soon!,” sabi ni Paula sa Instagram patungkol sa misis ni Chiz.

Ang “This is Me, Love Marie” na siyang kauna-unahang beauty guide ng isang Filipina actress mula sa Summit Books ay ilalabas na ngayong araw, ayon kay Pangan.

Ani Heart, ang libro ay maihahalintulad niya sa diary niya sa nagdaang 30 taon, “Making the book was like writing in my diary and giving  everyone a copy.

Thirty years of everything I’ve learned,” sabi pa ng Beautiful Strangers leading lady.

Read more...