Carla game na game makipaghalikan kay Gabby

gabby concepcion

SELOS na selos nga ba si Carla Abellana sa mga intimate scenes ng kanyang rumored boyfriend at ni Miss World Megan Young sa GMA Telebabad series na Marimar?

May kumalat na tsismis na nagkaroon daw ng lamat ang relasyon nina Carla at Tom dahil parang tinototoo na raw ng hunk actor ang mga maiinit na eksena nila ni Megan sa Marimar, lalo na ang kanilang mga halikan.

Kaya sa pocket presscon ng GMA para sa bago nilang teleserye, ang Because Of You na pagbibidahan ni Carla along with Gabby Concepcion and Rafael Rosell, tinanong namin ang aktres kung totoong pinag-aawayan nila ni Tom si Megan.

“No, that’s not true. Sa totoo lang, kahit ako kinikilig sa mga eksena nila sa Marimar. And besides, I know naman na it’s work. That’s part of our job bilang mga artista. Ako pa ba ang magseselos, e, alam na alam ko ang kalakaran sa showbiz,” depensa ni Carla.

Dito raw sa Because Of You kung saan makakatambal niya muli si Gabby for the second time ay siguradong meron ding kissing scene kaya hindi ito issue sa kanila ni Tom. Unang nagtambal sina Carla at Gabby noong 2011 sa pelikula ng Regal Films na “Yesterday, Today, Tomorrow.”

Kumusta naman sila ngayon ni Gabby bilang magka-loveteam uli, “Good. He’s still the same. Kung paano ko siya na-meet before at nakatrabaho before, gano’n pa rin. “Siya po yung type na palabiro, laging nakangiti tapos kahit madaling araw, nagdyo-joke pa din siya.

Parang pinapagaan niya yung buong set. May pagkamakulit pa rin sa jokes,” aniya pa. “Tungkol naman sa kissing scene, so far, wala pa sa script. Dalawang weeks pa lang ang natatanggap namin. Pero for sure, meron naman po ‘yan, imposibleng hindi,” chika ng dalaga.

Wala na raw arte si Carla pagdating sa halikan, lalo pa’t si Gabby ang katambal niya. Kahit daw medyo malayo ang agwat ng edad nila (29 si Carla at 51 naman si Gabby) hindi ito naging problema sa kanya, “Comfortable na kasi ako sa kanya.

Nagawa na po namin yon sa movie, so at least medyo may breaking of the ice. “Kapag may kailangan akong makatrabaho for the first time, kung required naman po talaga or if it’s in the script o kung ni-request ng director, okay lang.

Wala namang problema,” dagdag pa ng Kapuso leading lady. Bukod kina Gabby at Rafael, makakasama rin ni Carla ang tatay niyang si Rey “PJ” Abellana kaya raw doble ang excitement na nararamdaman niya.

Kasama rin sa Because Of You sina Kuh Ledesma, Iya Villania, Valerie Concepcion, Bettina Carlos, Vaness del Moral, Joyce Ching, Enzo Pineda, Mosang, Michael Flores at Celia Rodriguez.

Kuwento pa ni Carla, ang bagong seryeng pagbibidahan niya ay isang inspirational drama na tatalakay sa iba’t ibang uri ng love at kung paano nito naaapektuhan ang pamilya at iba pang taong nakakasalamuha natin sa araw-araw.

“I’m very thankful to GMA for this new project. I’m really happy to work again with Gabby. I’m also thrilled to be reunited with Bettina and Tita Celia,” sabi pa ni Carla.

For his part, Gabby likewise revealed that he is very comfortable working with Carla and he’s looking forward to more kilig and drama scenes with the Kapuso actress. “I worked with Carla before and I am so relaxed with her.

Sabi nga nila, it’s a walk in the park. Kasi nakasama ko na siya, magaan siya katrabaho. And itong show na ito, light lang. It’s a different approach and story. This is a feel-good teleserye,” sabi pa ni Gabo.

Nagpasalamat naman si Rafael sa mga bossing ng GMA na muli siyang binigyan ng magandang proyekto at kasama pa niya ang isa sa mga iniidolo niyang aktor na si Gabby, “I feel honoured to be entrusted with this fulfilling project about true love.

I couldn’t be more grateful. I’m so honoured and even more inspired. I love it.” Ang Because Of You ay sa direksiyon ni Mark Reyes at malapit na itong magsimula sa GMA TeleBabad.

Read more...