Kung si Jessy ay hindi nagdalawang-isip na amining “break” na nga sila ni JM, si Sarah Geronimo ay bongga ring nagdenay sa balitang nagkakalabuan na sila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.
Sa presscon ng “From The Top” concert ng Pop Royalty, kinuyog si Sarah ng mga tanong hinggil sa estado ng relasyon nila ni Matteo.
Kahit na tigas sa pagpapaliwanag si Sarah na napag-usapan na nila ng BF na hangga’t maaari ay iwasan na nilang magsalita about their relationship in public at nagkasundo nga na panindigan ang usapang “never” nilang gagamitin ang relasyon nila sa mga showbiz projects nila, talagang may nagtatanong pa rin.
“Kaya ganyan pa rin po ang isasagot ko. May kasunduan na kaming hindi magsama sa mga concert o shows. Doon man lang po, magkaroon kami ng kahit konting privacy. ‘Yung amin lang talagang dalawa,” bahagi ng paliwanag ni Sarah.
May mga ugong-ugong kasi na nagkaroon umano ng tampuhan kamakailan ang magjowa at nasangkot pa nga ang name ni Shaina Magdayao.“Dumating na po ako sa punto ng buhay ko na wala po akong pakialam kung ano man ang gustong sabihin o isipin ng mga tao sa mga ganyang isyu.
Basta po masaya ako, normal pa naman po ang relasyon namin ni Matteo, hindi kami hiwalay,” buong tatag na paliwanag ni Sarah.
Ang upcoming “From The Top” concert nga ni Sarah this Dec. 4 and 5 ang isa na raw sa pinaka-exciting show ng Pop Royalty. “‘Yung music po talaga na gusto kong gawin at i-share ay talagang akin, tatak ko at gusto ko.
Hindi pa po ako nakakagawa ng ganun. So ang lahat ng maririnig at mapapanood ninyo sa two nights na iyan ay mga piling-piling music na akin po talaga,” kuwento ni Sarah.
Nang tanungin namin ang dalaga kung may mga song o music ba siya na sasagot sa mga katanungang may kuneksyon sa buhay niya gaya ng nakagawian na nyang gawin in the past, sey nito, “Hindi naman po maiiwasan talaga.
Inaamin ko po na ginagawa ko iyan to express and show through my music ‘yung inner feelings ko, ‘yung state ng emotions o buhay ko. For sure, kung kilala ninyo ako, merong ganu’n sa From The Top.”
Surprise pa ang mga guests ni Sarah pero dahil first time niyang magko-concert ng two consecutive nights, mas matinding preparasyon daw ang kailangan niyang gawin.
Mas payat, seksi at napakakinis ngayon ng kutis ni Sarah. Sabi nga niya, nagsimula na siyang mag-workout para maging fit and healthy siya sa kanyang concert.
Although kilala namin itong bungisngis at matsika kapag siya’y masayang-masaya, our last interview with sa said presscon was different.
Iba ang lamlam ng mata niya at ramdam naming, “may something,” na bumabagabag sa kanyang kaibuturan. Kung anuman yun tiyak na malalaman naman natin iyan sa tamang panahon!