Nathaniel nina Gerald at Marco wagi sa CMMA

nathaniels

BINIGYANG-PARANGAL ang values-oriented program ng ABS-CBN na Nathaniel dahil sa aral at kagandahang asal na naibahagi nito sa mga manonood, lalo na sa mga kabataan sa katatapos lang na 37th Catholic Mass Media Awards (CMMA).

Dumalo at tinanggap nina Marco Masa, Gerald Anderson, Pokwang at Yesha Camile ang Best Children and Youth Program award at ang Special Award for Promoting Good Christian Values and Strong Faith in the Lord.

Sa produksyon ng Dreamscape Entertainment, ang Nathaniel ay isa sa pinakapinapanood na programa tuwing gabi simula ng umere ito noong Abril.

Pumalo ito ng hanggang 42% nationwide base sa datos ng Kantar Media, patunay sa hindi matatawarang pagtangkilik ng viewers.

Hanggang sa pagtatapos nito lang Setyembre ay talaga namang nakatutok ang sambayanan dahil sa magagandang asal na ipinapakita rito.

Itinuro at ipinaalala kasi ng batang anghel na si Nathaniel na lagi lamang maniwala sa Panginoon at lagi lamang Siyang nandiyan sa oras ng matinding unos.

Naging halimbawa din si Nathaniel ng isang madasaling bata na malapit sa Panginoon. Bukod dito, ang ilan pang serye ng ABS-CBN na nakapagbigay-aral at nakapagpaigting ng relasyon ng mga manonood sa Panginoon ay ang May Bukas Pa, 100 Days to Heaven at Oh My G!.

Ang CMMA ay ang taunang pagbigay ng parangal sa mga institusyon at mga indibidwal mula telebisyon, radyo, film, advertising at internet na nagpapahalaga sa aral at turo ng simbahang Katoliko.

Read more...