KUNG mailagay niya ang pundasyon at hindi naman niya iyon natapos, pagtatawanan lamang siya ng lahat. Hayan ang nagsimulang magpatayo at hindi na maipatapos. Lc 14:25-33; Rom 13:8-10; Slm 112, Ebanghelyo sa ika-31 linggo ng taon. Turan sa pagninilay si Pangulong Aquino, marami siyang hindi naipatapos at mas marami siyang hindi sinimulan. Ipagpapatuloy o sisimulan ni Mar?
Naghihintay lamang ang tropang Anabu na biktimahin ang kanilang mga kamag-anak o kaibigan ng tanim-bala gang sa airport ni Ninoy Aquino, ang ama ni BS Aquino. Kinatatakutan ang tropang Anabu sa mga nakakikilala rito. Mas mabangis pa sila sa mga Moro, mga miyembro ng Sputnik, Commando, BCJ, Oxo, Bahala, atbp. Kaya ring patayin ng tropang Anabu ang pamilya ng tanim bala, bata man o matanda, nang walang bakas, na tinalo pa ang mga mamamatay-tao sa Juarez, Mexico. Iilan lang sa kanila ang bayaran, pero lahat sila ay puma-patay para maghiganti.
Nanggaling din naman sa airport ni Ninoy Aquino si Nap Cuaton, batang Ping Lacson at ngayon ay mayor ng St. Bernard, Southern Leyte. Mataas ang puwesto niya pero walang alingasngas na tanim bala.
Taon 2012 nang nagsimula ang tanim bala, ang panunungkulan ng Estudyante Blues vid singer na si Noynoy Aquino. At ngayong malapit na ang Pasko’t eleksyon ay sumambulat ito dahil sa Kanong mi-syonero at kay aling Gloria (Gloria na naman!).
Hindi seryoso si Aquino kontra tanim bala (mali ang laglag bala. Pag “laglag,” may tunog). Ang pag-uusap (hindi pulong) sa Malacanang ay tinawag dahil sa payo ng United Nations sa mga kawani nito at pag-aalsa ng mga OFW at kanilang pamilya, na sapul na sapol si Mar Roxas. Walang napagkasunduang “damage control” dahil napakalaki na ang problema. Ang mga papasok na bagahe na balut na balot ng plastik ay sapat na para mapahiya si Aquino dahil ang airport ay nakapangalan sa tatay niya.
Abangan ang malaking demolition job kina Bongbong Marcos at Martin Romualdez, ang guwapong anak ni Kokoy. Madugo ito, at ‘ika nga, dila lang nila ang walang latay. Inumpisahan na ng uhuging mga estudyante sa Malacanang at ipagpa-patuloy pa ng dalawang de-kalibreng abogado. Marahas ang gibaan kaya’t madugo. Hindi lang ako nakatitiyak kung kapag tapos na ang eleksyon ay dadanak ang dugo bunsod ng resbakan.
Ang pamamahagi ng newsletter sa may sementeryo na ang laman ay papuri kay Mayor Pena ng Makati ay tanda na mahihirapan itong lumaban kay Abi Binay. Nagkamali ng estratehiya si Pena. Hindi makukuha sa pamamagitan ng newsletter ang pagbabago ng kaisipan ng masang taga-Makati. Kaya ba ni Pena na bumaba sa masa ng Makati at hindi sa masa-masahan? Hindi pa siya nakikita sa piling ng tunay na masa ng pinakamayamang lungsod.
Ang P35/k bigas ay binansagang “kontraksyon,” o para lamang sa sikmura ng construction worker, mababa o kulang pa ang suweldo (P456 minimum wage ay amoy panis na dahil sa luma at hindi na tumataas). Iyan ay dahil tumaas na ang presyo ng bigas at ang malinis na uri ay P48/k na. Presyo pa lang ng bigas iyan at wala pa ang ibang pangunahing pangangailangan, renta, kuryente’t tubig. Tama ang mga pari: walang puso ang gobyernong ito, na palalawigin pa nina Mar Roxas at Leni Robredo. Ang buwis ay 32% sa bawat mahirap na obrero, at tumataas pa.
Huwag balewalain ng mga riders ang “no helmet.” Sa Caloocan Metropolitan Trial Court, marami na ang nahatulan at nakulong. At iyan ay sa kagandahang loob ng batas ni Panday (Bong Revilla). Nakasuhan sila dahil meron din namang mga pulis na di tumatanggap ng lagay at tinabla sila.
MULA sa bayan (0916-5401958): Nililigawan na ng DSWD ang maka-Romualdez. Kailanman, hindi namin iiwan si Ser Martin. Bakit ba hindi kumandidato si ser Philip Romualdez? …1653
Malapit na ang Enero. Hanggang ngayon ay wala pang sticker ang aking motor na may ending na “1.” …2733
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.