LGBT members nabigyan ng trabaho sa KeriBeks Job Fair

KORINA SANCHEZ AT ILANG MIYEMBRO NG LGBT

KORINA SANCHEZ AT ILANG MIYEMBRO NG LGBT

DINAGSA ng mga miyembro ng LGBT community ang first KeriBeks Job Fair kamakailan sa Skydome sa SM North EDSA.

Higit 1,000 bekis, lesbians, at transgenders ang nagpunta para sa buong araw na fair na inilaan para lang sa kanila. Ito ang unang event ng KeriBeks matapos ang matagumpay na gay congress nito sa Araneta Coliseum noong Agosto. Ito rin ang unang job fair na eksklusibo para sa LGBT. Nakipag-picture taking pa nga ang ilan sa mga na-hire na beki kay Korina Sanchez-Roxas.

Blessing ang araw na iyon para sa 50-anyos na si Daniel “April” Lince, taga-Marikina, dahil natanggap siya bilang call center agent sa isang BPO company. Dating entertainer sa Japan si April, at dalawang taon na rin siyang walang trabaho. Inalagaan niya ang mga magulang na magkasunod namang yumao.

Kaya nang marinig niya ang panawagan ni Korina sa radyo na may Keribeks Job Fair ay agad siyang pumunta sa event.

Tulad ni April, hired on the spot din bilang call center agent si Xyza “Lance” Ravinera. Ang taga-Pampanga na si Garry David, ay pasok din bilang administrative associate sa isang BPO company. At swak din na ang mister ni Korina na si Mar Roxas ang tinaguriang Ama ng call centers sa bansa dahil siya ang nagpalago ng industriyang ito sa bansa.

Si Jan Rey “Yeng” Cuico, 26, na walang permanenteng trabaho at sumasideline lang sa pagmemake-up ay nakakuha ng kontrata, hired on the spot sa Team Sir George Salon. At ang dating service crew na si John Ernest Marco, hired on the spot bilang office assistant sa isang dental clinic.

Sa buong maghapong job fair ay may mga booth din na pwedeng ikutan ang mga nag-aaply ng trabaho kung saan alok ang libreng pagkain, libreng kape, at libreng gupit. Nagbigay din ng HIV/AIDS awareness and prevention talk ang Project Red Ribbon.

Sinundan naman ang fair ng mini-concert kung saan nag-perform ang grupong 1:43 at ang biriterang singer na si Dessa.

Ang Keribeks Job Fair ay inorganisa ni ate Koring para mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng LGBT na makahanap ng magandang trabaho na walang nararamdaman at hinaharap na diskriminasyon.

Read more...