Bongbong handang magpa-DNA para matulungan si Grace Poe

bongbong-marcos
SINABI ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakahanda siyang sumailalim sa DNA test para matulungan si Sen. Grace Poe na mapatunayang Pilipino ang kanyang mga magulang.

“Sure, papa-DNA ako. I don’t see how that will help her but if it will, why not?” sabi ni Marcos.
Ito’y sa harap naman ng mga kwento na magkapatid umano si Marcos at si Poe dahil anak umano si Poe ng yumaong Ferdinand Marcos kay dating aktres Rosemarie Sonora.
Si Sonora ay kapatid ng umampon kay Poe na si Susan Roces.
Wala namang makikita dahil anak ako ng tatay at tsaka nanay ko,” ayon pa kay Marcos.

Read more...